Diko mapigilang hindi mapangiti kapag sinusulyapan ko si Zane. Naglalakad kami ngayon patungo sa niyugan nila Makoy at nais naming kumuha ng buko. Nakasuot si Zane ng puting camisa de chino at nakapambukid na pantalon at may nakataling itak sa kanyang bewang. Napakagwapong magsasaka naman nito. Pagdating namin sa niyugan ay napakamot ito sa ulo nang makita ang taas ng mga puno. " Love... ang tataas naman. " wika nito at tila nahihiya sa akin. " Okay lang yan, akyatin mo na. " utos ko. " Ah love... ano kasi... " napakunot noo ako dito. " Ano? " tanong ko, muli siyang napakamot sa ulo. " Natatakot ako.. " sagot nito na ikinatawa ko ng mahina. " Kaya mo lang yan, sige na. " utos ko pa dito, gusto ko talaga ng buko e. " okay.. " napipilitang sagot niya at sinimulang lumapit sa puno at

