Sinalubong ko si Elijah nang makauwi na siya galing sa ospital. Minsan kasi nagiging 24 hours ang kanyang duty kaya ilang araw din siya doon. Naiintindihan ko naman siya kaya nga palagi ko siyang sinasalubong pag nandito na siya. Niyakap ko siya at hinalikan ko ang kanyang pisngi at napatawa ako nang niyakap niya ako ulit at nagpa-sway-sway pa kaming dalawa. Hinalikan niya ang aking noo at naghiwalay na kami. Tinitigan ko siya at hinawakan ko ang kanyang mukha. Kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mukha at naaawa talaga ako dahil mukhng pinapahirapan siya sa ospital na pinagtatrabahuhan niya ngayon. Inggit naman kasi ang kasama niya doon, bukod sa ang gwapo-gwapo ng future husband ko, magaling pa siyang doctor. Ang cha-chaka naman kasi nila at sobrang mayayabang pa. “You okay? Naku, need

