Nasa tree house ako ngayon at pakanta-kanta pa ako habang niliinisan ko ito. Maglalagay pa ako ng curtain sa mga bintana just to make it look like a home for us. Kahit nasa isla kami, hindi naman pwedeng magmukmok na lang. We just need to make the best of it, hanggang sa ma-rescue kami. I’m sure naman na hinahanap na kami ng aming parents by now. I just need to be patient and pray na mailigtas na kami. May marking sa isang sulok ng tree house at five days na kami na nandito, halos isang linggo na. Sa pagsi-swimming namin sa dagat, may mga nakuha pa kami na nanggaling sa yacht. There were bottle of seasonings, naka-jar na asin, sugar at kape na hindi man lang napasukan ng tubig dahil completely sealed ang mga ito. Pati nga liquid detergent, nakahanap sila, shampoo at shower gel rin which

