Mga sigawan ng apat na chikiting na tumatakbo na hubad sa buong bahay ang aking nakikita at naririnig. Habol sila ng aking mga asawa habang may hawak silang mga damit sa kanilang kamay. Napailing lang naman ako habang nakikita ko sila at gusto kong matawa sa itsura nila ngayon. Our children are five years old now at sobrang kukulit ng mga boys. They love to run, jump, play and prank on their fathers na kinasasakit naman ng ulo ng mga ito. Hinahayaan ko na lang sila para naman ma-experience nila kung gaano kahirap mag-alaga ng mga maliliit na bata. They are growing up so fast and they are at the peak of doing a lot of things. Naririnig ko ang mga malalakas nilang bungisngis habang mabilis silang tumatakbo. Bibihisan na kasi sila dahil pupunta sila sa kanilang grandparents ngayong weekend.

