Shiloh’s POV Mabilis ako ng naglalakad sa hallway ng campus building at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa aking pagbalik dito sa university. I’m kind in a bad mood dahil nanatili si Aisha sa penthouse ni Kuya Sage. Ni hindi rin umuwi si Summit kagabi na kinains naming tatlo ni Kuya, Silas at Steele. Ang sabi ng magulang namin umuwi daw sa apartment niya si Summit habang si Kuya Sage ay dinala sa penthouse niya at overnight sila doon. Hindi pa rin sila umuuwi nang umalis na ako sa mansion at sobrang naiinggit ako dahil nasoolo niya ang dalaga. Para-paraan din naman ito at hindi man lang ako sinali. After my first class, hinahanap ko na ngayon ang matalik na kaibigan ni Aisha at may kailangan lang akong malaman mula sa kanya. Napalinga-linga siya at nakakairita rin ang mga babae

