I sigh happily habang nakikinig ako sa aking mga stepbrothers habang nagkukwento sila sa mga kalokohan na mga ginawa nila noong bata pa sila. Lagi silang napapagalitan noon lalo na at dinadamay pa nila ako. Nakapalibot kaming lahat sa campfire at ine-enjoy ang gabi. Although I don’t remember nothing at all, but it’s nice hearing it at sigurado ako na masayang-masaya ako sa pamilya na ito. I wonder kung hindi ako nilagay sa ampunan ng sarili kong ina. Ano na lang kaya ang naging buhay ko? Ang sabi ng Papa ko nalulong ito sa drugs kaya sila naghiwalay. Pero hindi niya alam na buntis pala ito. Hindi ko alam kung nagda-drugs pa rin ito habang pinagbubuntis niya ako. I am just glad na okay lang ako, walang sakit, walang deformities. Maybe she cared at nang pinanganak niya siguro ako I became a

