Masayang simisipol si Kuya Silas nang bumalik na kami sa tree house. Nandoon na rin ang iba naming kapatid na sabay-sabay na napalingon sa amin. Kitang-kita ko na namilog ang mga mata ni Shiloh nang makita niya kami at uminit naman ang aking mukha dahil sa ginawa namin ni Kuya Silas. May dala kaming sako na puno ng prutas at root crop na natagpuan namin sa paglilibot namin dito sa isla. It was a big place at marami pa na hindi namin napupuntahan. Nakita ko na nabuo na rin ang firepit at binubuo na nila ang mini na banyo para sa amin. Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Bumitaw ako sa pagkakawak namin ng kamay ni Kuya Silas at patakbo akong lumapit sa tubig. Hinugasan ko ang aking mga kamay, braso at legs dahil madumi na rin ito. We were walking barefoot at dahil malambot ang lupa, hindi kami

