Dumating ang aking parents at ang aking mga kapatid sa una kong therapy session. Si Kuya Sage mismo ang nagbuhat sa akin at nilagay ako sa wheelchair na pinasok ng isang nurse para sa akin. Ayokong pa sanang makita ang apat after ng nangyari kahapon, pero ayoko naman na ipahalata sa mga magulang ko na galit ako sa kanila. Kinausap ako ni Shiloh, at tama siya, nabigla lang ako kahapon dahil sa mga sinabi ni Beatrice. Alam kong busy sila sa kani-kanilang trabaho kaya hindi nila ako nadadalaw, naiintindihan ko. Kaya lang sobra akong nasaktan at na-insecure sa sinabi ng babaeng ‘yon. Inising ko nga buong gabi kung talagang nag-dinner sila ni Kuya sage kahit sinabi naman ni Shiloh na wala itong sinabing totoo na kahit ni isa. Pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan kaya nasabi ko ang lahat ng

