Martes, 9:00 ng gabi
Nasa kwarto si Jc, nakatitig sa kanyang telepono. Hindi mawala-wala ang mukha ni Stella sa kanyang isipan. Naalala niya ang pagyakap ni Stella, ang init, ang lambing, ang sarap sa pakiramdam. Nag-aalangan man, pinindot niya ang "send" button, nagbabakasakaling sumagot si Stella.
Sa kabilang dako, abala si Stella sa kanyang pag-aaral. Habang nagbabasa ng libro, biglang nag-vibrate ang kanyang telepono. Si Jc. Nag-aalangan siyang buksan ang mensahe, pero hindi niya mapigilan ang curiosity niya.
"Hi, I made this long message to confess my feelings for you. I don't know how I feel right now, I've been thinking about this for a long time, but ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. I like you, I really do. I like you for a long time, but I decided to keep it to myself because I'm afraid of rejection. This is my first time to confess my feelings to someone, so don't judge. But since wala namang mawawala kung susubukan diba? So I try it. Thank you."
Nanlaki ang mga mata ni Stella. Hindi niya inaasahan ang ganitong mensahe mula kay Jc. Naguguluhan siya. Ano ang ibig sabihin nito? May gusto ba talaga sa kanya si Jc? Totoo ba ang mga nararamdaman niya?
**************************
Sa gitna ng kanyang pag-iisip, biglang tumunog ang doorbell. Ang tita niya.
"Stella, may bisita ka. Isang lalaki," sabi ng kanyang Tita. "Sabi niya, Jc ang pangalan."
Natatwa si Stella. Ang bilis naman.
"Sige po Tita, papasukin ko na," sabi ni Stella.
Parang may nag-uunahang butterflies sa kanyang tiyan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
"Stella..."
"JC... Ang bilis mo naman."
"Gusto ko lang sanang malaman kung anong reaksyon mo sa message ko," sabi ni Jc.
"Hindi ko alam," sagot ni Stella. "Hindi ko inaasahan na... na magkakagusto ka sa akin. Totoo ba?"
"Oo, totoo," sagot ni Jc. "Alam kong mabilis pero..."
Bigla namang nag-flashback kay Stella ang pangyayari sa Resturant. Ang pagyakap ni nya kay jc, ang naramdaman niyang kilig. At ang nakita niyang pag-aalala sa mata ni Jc nang makita nila ang patay na waiter.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," sabi ni Stella. "Para kasing sobrang bilis ng lahat. At..."
"At?" tanong ni Jc.
"At... May kailangan akong sabihin sa iyo," sagot ni Stella. "Pero kailangan nating pumunta sa isang mas pribadong lugar."
Tumingin si Jc kay Stella. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Stella, pero nagtiwala siya.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Jc.
"Sa may park, malapit sa simbahan," sagot ni Stella.
"Sige, tara na," sagot ni Jc.
Sabay na naglakad si Jc at Stella patungo sa park. Habang naglalakad, hindi mawala sa isip ni Jc ang nararamdaman niyang pag-asa at kaba.
******************************