The Language of Hearts

994 Words
Huwebes, 7:00 ng umaga Gumising si Jc sa tunog ng kanyang alarm clock. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila ni Stella kagabi sa park. Alam niya na may lihim si Stella, pero hindi niya alam kung ano ito. Wala siyang ibang maisip kundi ang makita ulit siya. Pero mas mahalaga, ang excitement para sa kanilang field trip ay nag-aapoy sa kanyang puso. Korea at Japan! Bumaba siya para mag-almusal. "Sir jc, mukhang excited ka para sa field trip ah?" nakangiting sabi ni Manang Ell. "Opo, Manang. Ang tagal ko nang pangarap makapunta sa Korea at Japan," sagot niya. "Lalo na't kasama ko si Stella." "Naku, Jc. Masaya lang 'yan. Siguraduhin mo lang na mag-iingat ka," bilin ni Manang Ell. Sa kabilang dako naman, si Stella ay abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Jc ang kanyang lihim. Natatakot siya sa kanyang reaksyon, pero alam niyang kailangan niyang sabihin ang totoo. Nang makarating sila sa school, nagulat si Jc nang makita si Stella na hindi mapakali. "Stella, ayos ka lang ba? Parang ang tahimik mo yata?" tanong ni Jc. "Uhmm, oo naman. Medyo kinakabahan lang ako," sagot ni Stella. "Alam mo na, first time kong magfield trip sa ibang bansa." "Relax, Stella. Masaya 'to," sabi ni Jc. "Tsaka nandito naman ako para suportahan ka." Sumakay na sila sa bus papuntang airport. Nang makarating sila sa airport, mas lalo pang nadagdagan ang kaba ni Stella. Parang may nag-uunahang butterflies sa kanyang tiyan. "Stella, ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Jc. "Para kang hindi mapakali." "Kailangan kong sabihin sa 'yo ang totoo, Jc," sabi ni Stella. "Pero kailangan natin ng mas pribadong lugar." Tumango si Jc. "Ano ba 'yon? May problema ba?" "Sa loob ng eroplano, pagkalipad natin," sagot ni Stella. "Don ko na lang sasabihin sa 'yo." Naghintay lang si Jc. Nararamdaman niya ang pag-aalala sa puso ni Stella, pero pinili niyang maniwala na walang dahilan para mag-alala. Siguro ay normal lang ang kaba para sa first time niyang mag-field trip sa ibang bansa. Nang makasakay na sila sa eroplano, at nagsimula nang mag-take off, nag-aalangan namang huminga si Stella. "Jc..." ****************************** Sa loob ng eroplano, patungo sa Korea "Jc," bulong ni Stella. "Ano 'yon, Stella?" tanong ni Jc, habang nakatingin sa mga ulap na dumadaan sa bintana ng eroplano. "May kailangan akong sabihin sa 'yo," sabi ni Stella, nag-aalangan. "Pero... Kailangan ko munang maghanap ng tamang pagkakataon." "Ano ba 'yon? May problema ba?" tanong ni Jc, nag-aalala. "Hindi naman... Pero parang ang hirap sabihin," sagot ni Stella. "Parang... Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin." Tumingin si Jc kay Stella. "Ano ka ba? Anong nangyari? Sabihin mo na lang sa akin." Tumango si Stella. Huminga siya nang malalim. "Ang totoo... Ang totoo... May isang bagay na itinatago ko sa 'yo." "Ano 'yon?" tanong ni Jc. "May isang bagay na hindi ko masabi sa 'yo," sagot ni Stella. "May isang bagay na..." Biglang tumunog ang bell ng eroplano. "Excuse me po, mga pasahero. This is your captain speaking. We are experiencing some turbulence. Please fasten your seatbelts and remain calm. We are doing everything we can to ensure your safety. Thank you for your cooperation." "Anong nangyayari?" tanong ni Jc, nag-aalala. "Hindi ko alam," sagot ni Stella, habang kinakabahan. "Pero... Kailangan kong sabihin sa 'yo ang totoo." "Hindi mo ba masabi ngayon?" tanong ni Jc. "Baka mas maging kumplikado pa ang lahat." "Hindi ko kaya," sagot ni Stella. "Mas mahalaga ang kaligtasan natin ngayon. Pero... Kapag nakarating na tayo sa Korea, sasabihin ko na sa 'yo ang lahat." Tumango si Jc. "Okay. Pero sana... Sana hindi naman masyadong nakakatakot ang lihim mo." "Hindi naman nakakatakot," sagot ni Stella. "Pero... Siguro hindi mo pa rin magugustuhan. Naghintay lang si Jc. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Stella, pero alam niya na mahalaga sa kanya ang lihim na ito. At hindi niya hahayaang mag-alala si Stella nang mag-isa. ****************************** Sa loob ng eroplano, patungo sa Korea Dalawang oras na ang nakalipas mula nang mag-take off ang eroplano. Ilang beses nang umalog ang sasakyan, pero nawala na ang takot at napalitan ng excitement ang mga pasahero. Masaya na silang nagcecellphone, nagtutulog, at nagkukuwentuhan. Si Jc naman ay tahimik na nakatingin sa kanyang telepono, nagbabasa ng mga artikulo tungkol sa Korea. Naramdaman niyang nakatingin sa kanya si Stella. "Jc," bulong ni Stella. "Hindi ka ba nag-aalala?" "Hindi na," sagot ni Jc. "Ang importante ay ligtas tayo." "Pero... Hindi mo ba naiisip ang lihim ko? Parang ang tagal ko nang itinatago ito." "Alam mo, Stella," sabi ni Jc, habang nakatingin sa mga mata ni Stella, "Ang mahalaga ay ang mga sandaling kasama kita. Hindi ko kailangang malaman ang lahat para maramdaman ang nararamdaman ko sa 'yo." Napangiti si Stella. "Salamat, Jc." Tumayo si Jc at naglakad papunta sa kanilang mga bag. Kumuha siya ng isang libro tungkol sa Korean language. "Gusto mo bang matuto ng ilang Korean words?" tanong niya. "Talaga?" Sabi ni Stella, nakangiti. "Sige, turuan mo ako!" Nang magsimula nang magturo si Jc tungkol sa "annyeonghaseyo" at "kamsahamnida," hindi maiwasan ni Stella ang tumawa. Ang hirap pala mag-salita ng Korean, pero masaya naman sila pareho. madali ba ito?" tanong ni Jc, habang tinuturo ang isang Korean word. Ang galing mo naman!" Sabi ni Stella, habang tumatawa. "Pero ang hirap palang sabihin." "Para kang bata," sabi ni Jc, habang nakangiti. "Gusto ko pang matuto ng iba!" Sabi ni Stella. "Turuan mo rin ako ng mga japanese words." At nagsimula nang magturo si Jc ng ilang simpleng japanese words. Habang tumatawa sila, naramdaman ni Jc na parang mas lumalalim ang kanilang pagkakaibigan. Parang mas lumalapit ang puso nila sa isa't isa. Nang tumunog na ang bell ng eroplano, hudyat na malapit na silang makarating sa Korea, napangiti si Stella. "Sana maganda ang karanasan natin dito, Jc," sabi niya. "Mas maganda ang karanasan natin kapag kasama kita," sagot ni Jc. At nagsimula na silang mag-ayos ng kanilang mga gamit. *****************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD