Kinaumagahan. Maaga kaming nagising ni Nate dahil maagang nagtext si Sir James na susunduin niya kami papuntang Batangas. “Mama, ito po yung first time kung na pumunta sa ibang lugar, Sana nandoon ang totoo kung papa no, para makilala ko na siya” wala sa isip na sabi ni Nate. “ Paano mo naman nasabi yan anak” bigla kong tanong sa kanya. “ Wala lang po mama" malungkot na sabi nito. “ Akala ko ba may papa kana?” biro ko sa kanya. “ Si papa James, Hindi ko naman totoong papa yun.Gusto ko yung mahal mo po, hindi po ba minahal mo naman si papa?” gulat ko sa tanong ni Nate. Anong alam ng anak ko sa pagmamahal.Sa murang edad nito nagawa niyang magtanong ng ganun. Napabuntong-hininga ako at umupo sa tabi niya. “Anak, nakakagulat ka.Kung ano anong sinasabi mo. Halika nga dito” sabi ko rito a

