Namataan ko si Nate sa makaupo sa bench kaya agad ko itong nilapitan.
"Anak, sorry na, nalate si mama.Kanina ka pa ba naghihintay?" pag alalang tanong ko.
Hinawakan ng dalawang palad ko ang mukha nito pilit ko iniharap sa akin. Pero nagmamatigas ito.Nakasimangot ang mukha. Hindi ito sumagot. Nakasalubong ang mga kilay nito.
"Sorry na anak, please..babawi si mama.Hindi ba naintindihan mo naman na nagwowork si mama"?panlalambing ko sa kanya.
Pero hindi ito tumitinag. Napabuntong-hininga ako. At malungkot na nakatingin sa kanya. Naiwan kaming tahimik. Hinayaan ko siya kasi hindi naman ito nakatiis pag tahimik na ako.
Maya -maya kumilos ito at humarap sa akin. Pero nakasimangot pa rin ang mukha.
"Ikaw naman kasi, bakit pinahintay mo ako ng matagal kanina pa umuwi ang mga kaklase ko" galit nitong sabi. Napangiti ako sa isip ko.
"Kaya nga sorry na sabi ni mama, diba"?tuluyan akong ngumiti sa kanya. Niyakap ko ito ng mahigpit. "Thank you baby, for understanding me"napabuntong hininga ako.
Hindi ko kaya kong mawala pa ito sa akin. Kung may karapatan pa ba itong makikilala ng ama niya. Hindi ko alam.
"Mama,nasasakal ako , bat ka ganyan?"inis at taka nito.
"Sorry anak. Namiss lang kita. So kamusta klase mo ngayon."masayang tanong ko sa kanya.
"Okey lang po"matamlay nitong sabi.
"Oh, bat ganyan mukha mo?"
"Eh kasi mama sabi ng teacher namin Father's day daw ngayon buwan. Mga kaklase ko excited sila sa daddy at Papa nila. Eh, ako mama.Makikita ko pa ba papa ko"? Halos maiiyak na tanong nito sa akin.
Napalunok ako. Ito ang araw na kinatatakutan ko ang magtanong siya. Na wala akong maisagot. Mabilis ko siyang niyakap at hinagod sa likod.
"Makinig ka anak. Nandito naman si mama diba.? Masaya naman tayo kahit dalawa lang tayo. Hindi mo na kailangan ng papa, di ba big boy kana. Kaya mo na sarili mo.?" Kumalas ako sa kanya at mataman kong tiningnan ang kayumanggi nitong mata.
Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito.Napakasakit sa akin ipagkait ang karapatan ng anak ko pero wala akong magawa. Tumango ito ng may pagsang- ayon. Naalala ko si Ivan sa mga mata nito. Lahat ng mga ala alang pumasok sa isipan ko ng walang hudyat. Napukaw ang aking pag iisip ng hilain ako ni Nate na umuwi na. Napatayo ako. Inakay ko itong papalabas ng gate.
Umaga nag paalam na ako kay Nate kong anong oras na ako uuwi. Para hindi na ito magtampo ulit. Iba si Nate sa isang batang katulad niya. May sarili na itong pag iisip. Pilit iniintindi ang mga bagay bagay. Pero minsan kailang din ng kunting gabay . Bihira lang itong mag asal bata.
Pagdating ko sa Montego building agad akong pumanhik.Halos magsabay kami ni Emma na dumating. Nag ayos ako ng desk ko ng bigla dumating si sir James.
"Good morning sir" bati ko sa kanya. Presko itong tingnan bagay sa kanya ang suot niyang suit. Masarap sa ilong ang mamahalin niyang pabango at halatang bagong ligo.
"Good morning din miss Gonzalez, Emma" bati nito sa akin at bumaling kay Emma.
Pumasok na ito sa loob ng office niya. Dahil tapos na ako sa documents kahapon needs at schedule nalang ni Sir pag aralan ko ngayong umaga.
Napitlag ako ng biglang tumunog ang telepono sa harapan ko.
"Hello sir" bati ko. "Miss Gonzales could you come over to my office" wika ng nasa kabila. Ang sarap pakinggan ng boses niya na namiss ko ng ilang taon.
"Y-yes sir" Wala sa isip kong sagot.
Agad itong binaba ang telephono.Napabuntong hininga ako.
Tumayo na ako pero bago ako pumasok pilit kong kinakalma ang sarili ko naramdamanan kong muling mabuhay ang naramdaman kong ilang taon na nakatago.
Kumatok ako ng dalawang beses bago ko narinig ang "come in",agad akong lumapit sa kanya.
"Hows your first day Miss Gonzales?.tanong nito sa akin ang mga kamay nito sa taas ng mesa.
"Good sir, Emma teach me well".simpleng sagot ko.
"That's good to hear" tamad nitong sabi nakapikit na ito at hinihilot ang sentido niya gamit ang kaliwang kamay. Mukhang sumasakit ang ulo nito.
"I need you to know everything as soon as possible. Malapit na ang alis ni Emma. Gusto ko matutukan mo lahat."dugtong pa nito
.
"Okey sir" Sabi ko habang napakasyahan ko siyang titigan habang nakapikit.
Napakagat labi ako. Ito na naman si nakaraan may pilit pinapaalala sa akin. Nayani ang katahimikan kaya nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ito tumugon kaya tumalikod na ako. Sa paghawak ko ng steel knob. Nagsalita ito.
"Wait! Can I make a favor to you.? Could you make a coffee for me?".magalang nitong sabi wariy nahihiya.
Tumango na ako at lumabas. Dumiretso ako sa mini kitchen at nag timpla ng coffee niya. Bumalik ulit ako sa loob ng office. Nilapag ko ang coffee niya. Nakaharap ito sa computer .
Tinitingnan ko siya parang masakit ang ulo nito at mukhang puyat. Umagang umaga mukha na itong haggard.
"Thank you" wika nito. "By the way, nagustuhan ko ang timpla ng kape mo."bahagya itong ngumiti sa akin at sumimsim ng coffee.
"Welcome Sir" nasabi ko nalang na may pintang ngiti sa labi ko bago lumabas.
Marami na rin naturo sa akin si Emma bago sumapit ang pananghalian. Lumabas si sir James .Ngumiti ito sa amin at diretsong lumabas. Tumayo na rin kami ni Emma.
"Tara, lunch tayo.?" Yaya ni Emma.
"Lets go" yaya ko rito. Nakipagsabayan kami sa kapwa empleyado din sa building na ito lumabas.
30minutes lunch break. Kumain kami ni Emma sa turo turo.Yung iba naming kasama sa mamahalimg kainan. Dalawa lamang kami ni Emma na hindi sumabay sa kanila. Laking papasalamat ko at magka sundo kami ni Emma sa lahat ng bagay. Minsan ngkukwento ito sa buhay niya. May 3 siyang anak kapwa asensado na. Matagal na itong pinaparesign ng anak niya pero ayaw niya hanggat walang magmana ng gawain niya. Kaya ngayon palang nagpapasalamat na ito ng sobra sa akin.
Hindi rin kami ngtagal sa labas agad kaming bumalik sa loob ng opisina.
Pagdating namin ng opisina ay may tumatawag sa telepono. Si Sir James. Hindi namin namalayan na nakabalik na pala ito.
Inangat ko ang telepono.
"Hello ,could you come inside to my office?" Sabi nito pag angat ko palang ng receiver.
"Yes sir"wika ko.
Pumasok ako sa loob. Hinubad nito ang coat nito at niliwagan ang tali ng necktie niya. Tumambad sa akin ang matigas nitong muscle. Maamo ang mukha nito. Hindi nakakasawang titigan. Halos mapagkamalan itong si Francisco Lachowski isang Brazilian model. Pinagkaiba lang nito. Malaki ang pangangatawan nito. Mukhang alaga ng gym. Hindi ko alam kong may lahi ito. Dahil wala naman akong alam sa buhay niya ngayon. Napatingin ako sa kanya.Saktong nagtama ang tingin namin pareho. Bigla akong nakaramdam ng pag init ng pisngi ko. Bumaba ako ng tingin.
"Uhm. Sorry.. Can I have favor for you. I didn't take lunch and I'm starving. Could you buy me a lunch?" wika nito na sobrang seryoso ang pagmumukha.
Mukhang mainit ang ulo pero pinipigilan niya. Gusto kong itanong kung anong klaseng lunch pero nahiya ako. Kumuha itong two thousand sa wallet niya at inabot sa akin.
Saglit akong ngpaalam at lumabas. Naghanap hanap ako kung anong gusto niya. Ilang tanong ko sa sarili ko kung anong gusto niya ng biglang may sumagi sa utak ko. Seafood. He loves seafood. Agad akong naghanap na malapit na bilihan ng seafood. Natuwa ako may nakita ako at agad akong bumili at dahil hindi naman kalayuan sa office naglakad nalang ako.
Naabutan ko itong may kausapin sa phone.
"Oh.. come on! Not now honey"iritadong tanong niya. "I'm busy, I call you later, bye. " agad nitong pinatay ang phone at nilapag.
Dahan dahan akong lumapit at nilapag ko ang pagkain sa harap niya.
Nagpasalamat ito. Binuksan nito ang dala kung pagkain. Bigla itong napatingin sa akin na naka kunoot noo. At may bahid ng pagtataka sa mukha nito.Bigla akong kinabahan. Bumalik ang tingin nito sa pagkain at simpleng thank you and narinig ko hindi na ito umimik. kaya dali dali akong nagpaalam at tumalikod. Habang nasa mesa ako.Hindi mawala sa isip ko ang narinig ko. Wala namang akong karapatang masaktan. Pero mali ang idinidikta ng puso ko na unti unti ng umusbong ito mula sa pagkahimlay.
"Anya, here the schedule of Sir Montego for tomorrow. Alam mo na ang gagawin as I said a while ago. Dapat I remind mo siya 30minutes before the exact time. Sometimes makakalimutan ni Sir. Kaya dapat ikaw ang magpaparequest sa kanya palagi."wika ni Emma at inaabot sa akin ang planner.
"Opo, Bali tomorrow mag uumpisa na ako for real."balik na sabi ko sa kanya.
"Yep.,and good luck. Lahat nakasalalay sayo.".sagot ni Emma na nakingiti sa akin.
"Well,uwian time na, pwede ka ng umuwi baka naghihintay na ang anak mo."dugtong nito habang ang mata nakatingin sa wall clock.
Napatingin ako sa relo ko.
Exact 4pm na. Kaya agad narin akong nagpaalam dito. Sinundo ko si Nate. Hindi na ito ngtatampo. Pero may inis sa akin dahil ilang oras naman siya ng antay sa akin.
Kinaumagahan. Naghahanda kaming pumasok. Nakita ko si Nate na hindi kumukilos ito.
"Nate, malalate tayo bilisan mo na dyan' wika ko sa kanya habang imaayos ang laman ng bag niya. Nakabihis na rin ako.
"Mama, late mo na naman ba ako sunduin mamaya?" Malungkot na sabi nito.
"Try kong agahan anak, okey?" Ningitian ko siya.
Humarap ako sa kanya at pinangigilan ang maputing nitong pisngi. Nakasimangot at nakanguso sa akin. Itinabig nito ang mga kamay ko.
"Mama, ang sakit" reklamo niya na hinihimas ang namumulang pisngi nito.
Pagdating ko sa Montego building agad akong tumakbo sa elevator. I'm 15minutes late. Dahil natraffic ako sa daan galing sa school ni Nate.
Biglaan bumukas ang pintuan agad akong pumasok badya papasara na ang elevator ng biglang may humarang na katawan dito. Si sir Nathan. Umurong ako para bigyan siya ng espasyo. Nakasuot ito ng asul na long sleeve at maitim na coat. Bagong ahit at amoy ko ang suave nitong pabango. Ang ganda ng pagkaayos ng buhok nito. Lahat naman siguro na kababaihan ma tuturn-on dto. Nakapasok ito. At dalawa lamang kaming tao sa loob.
"Good morning s-sir" bati ko sa kanya hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nito. Hindi naging normal ang pintig ng puso ko. Dahil siguro sa presensiya niya.
"Morning, Miss Gonzales" pormal na bati nito na nakapamulsa. Nayani ang katahimikan sa pagitan namin.
"How's your work with Emma , so far"?
Simpleng tanong nito kaya napa aangat ako ng tingin sa kanya.
Tumingin ito sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin agad kong binawi ang tingin ko sa kanya.
"It's okey sir"? kinabahan sagot ko.
My heart beats so fast ng hindi ko mawari. He nodded.
"Hmm... What should I called you.? Miss Gonzales is too formal. Just like Emma I only call her by her name. How about you what would you like me to call you"?.
"A-Anya po sir.. .my nickname.' nakayukong sabi ko pero sa kabilang bahagi ng puso ko na sana ma alala niya ang pangalang iyon.
"Oh.. what a beautiful name." Simpleng sagot nito pero walang bahid na may naalala ito.
Pareho kami nakikiramdaman tanging tunog ang ng elevator paakyat ang naririnig ko.
Ding!
Bumukas ang pintuan ng elevator. Nauna itong lumabas sumunod ako sa kanya.Naabutan namin na andun na si Emma. Inihanda na nito ang mga kakailanganin ko. Dumiretso lamang Si sir James sa office nito.
"Good morning Anya heres the documents and schedule of sir James today.May business appointment siya ngayon with Mr Lee at shangrila hotel exact 1:00pm. Dapat masabihan mo na si sir before 1:00 okey. " turo sa akin ni Emma.
Pagsapit Ng 12:00 pumasok na ako sa office niya. Naabutan ko itong nakapikit parang nagiisip. Dumilat ito ng naramdaman niya papalapit ako sa kanya
"Hmm..sir I just want to remind you that you have business appointment today with Mr Lee at Shangrila Hotel at exact 1:00pm"
"Okey. "Simple sagot nito.
"Could you give me a cup of coffee?" Utos nito sa akin.
Napabaling ako sa kanya at tumango. Tumalikod ako. Mamaya bumalik ako dalla ang isang tasang coffee.
Pagsapit ng 12:30 lumabas ito. Lumapit ito sa akin at inaabot ang business proposal.
"You keep that. And let's go" pormal na sabi nito.
Nagpaalam ako kay Emma. Sinabihan ako ni Emma at base sa needs na tinuro ni emma. Every business meeting dapat andun ako. Kaya may privelage kaming kahit saan pumunta si sir andun din ako. Hindi na ako nagtatakang kong bakit niyaya niya ako ngayon. Sumunod ako sa kanya. Hanggang sa parking lot.
Agad itong sumakay sa makintab na kulay itim na sasakyan. Pumasok na rin ako sa tabi niya kaya pumasok ito na hindi na umimik.Agad pinaandar ang sasakyan. Naramdaman ko panay lingon ni sir James sa akin. Bigla akong naconcious sa ginagawa niya. Nakita kung sumilay ang ngiti sa labi nito.Naramdaman niya siguro ako na sobrang concious ko dahil umusod pa ako sa gilid ng sasakyan.
"Relax. I won't eat you"? he smiled. I missed those smile.
Napabuntong hininga ako. Lumingon ako sa kanya. Nakatingin din pala ito sa akin.
"Is there something wrong Anya?" Nag iba ang expression ng mukha nito.
Seryoso ito na may bahid na kyuryusidad ang mukha.
"Did I intimadate you?'pag alalang tanong ulit nito sa akin.
Pero tahimik pa rin ako.Bumalik ang tingin nito sa kalsada. Naging seryoso na ang pagmumukha nito.
"No, sir. There's nothing wrong."simpleng sagot ko na nakatingin din sa harap
"Then why are you so aloof with me, ? Balik nitong tanong. Kaya napatingin ako sa kanya.
"You're too quite and I'm not used to it. It makes me nervous you know" nakangiti ulit ito.
Napatigil ang sasakyan dahil na ka green ang traffic light sa labas.
"Sorry sir" mahinang sabi ko. Napatingin itosa akin. Mataman niya akong tinititigan.
Nilalabanan ko ang sarili ko na wag tumingin sa gawi niya. Takot akong makita ang mga mata nito. Baka bumigay ako at isumbat ko sa kanya ang lahat lahat na sakit na dinanas naming mag ina hanggat maari ayaw ko ng gulo.
Napakawala ito ng buntong hingina at muli pinagalaw ang sasakyan.
Dumating kami sa Shangrila Hotel 15 minutes bago mag 1. Napagiwi ako ng pumasok kami. Sobrang ganda ng kainan at mukhang may kaya lang sa buhay ang makatuntong rito. Subrang lawak ng restaurant. Puro cystal lahat Mula sa chandelier hanggang say decoration. Puro crystal.
Napalayo na si sir James kaya hinabol ko ito. Ilang minito din kaming ng antay bago dumating si Mr Lee. Kasama ang lawyer nito. Mahaba habang diskusyon ang palitan bago pumayag si Mr Lee sa investment ng bago nilang patayong condo sa Baguio.
"Thank you very much Mr. Lee. I assure you. You won't regret this decision to trust your money" pormal na sabi ni Sir James kay Mr.Lee na instik pagkatapos ng close deal nila.
Matikas si Sir Nathan. Magaling pag dating sa negosasyon at malawak ang kaalaman nito sa mga negosyo. Dagdag pa ang extra points nitong mukha.
"Yes. Also you're welcome."wika ni Mr.lee pagkatapos makipag kamay.
"Would you mind to stay here and take a lunch with us?" paanyaya ni Sir James.
"I'm afraid I would, but I have other business to deal with today and it's very important. Maybe some other time Mr. Montego"magalang na tanggi ng instik.
"Okey, I'm fully understand". simpleng sagot no sir. Nagpaalam at umalis na rin ang instik.
Balik na umupo si sir James. Maaliwalas ang mukha nito dahil siguro sa saya na nakapag close deal siya Kay Mr.Lee.
"I guess, this would be an early celebration and yet we didn't take our lunch.And sorry for that"hinging paumanhin niya sa akin
"It's okey sir. " Ngumiti ako sa kanya.
Nahawa na rin ako sa saya ng mukha niya.
"Order what you like." Napatingin ako sa menu. Kind of Asian food. Parang gusto kong umurong ng makita ko ang presyo ng isang pagkain. Libo ang halaga.
"Don't mind the price my treat." Sabi nito sa akin ng napansin yata na nakatitig ako sa presyo na nakasulat sa menu.
Suminyas ito sa waiter agad naman lumapit ang waiter sa amin. Binigay nito ang order niya sa waiter.
Napatingin ako sa waiter. Tinuro ko nalang ang inorder ko dahil mahirap basahin ang banyagang letra. Ilang minutes dumating ang order namin.
Mapakaraming na order si sir. Mula sa seafoods hanggang sa dessert. Ang inorder ko Chopsuey. At isang steak. Agad itong tumalima. Dahil naramdaman ko na rin ang pagkulo ng sikmura ko agad na rin akong tumalima. Yung mga inorder namin isang isa namin tinikman.
Napakain ako ng seafood na inorder niya.Ngunit napatigil ako ng biglang kumuha ng gulay si sir sa inorder kong gulay.
Natigilan ako ng nilapag nito sa pinggan niya ang kinuha niyang gulay. Napatigil din ito. Parang nagtatakang nakatingin sa akin.
"What?" naguguluhang tanong niya.
Napalunok ako baka isipin niya na ayaw kong magbigay.
"You didn't eat vegetable" wala sa sarili kong sabi. Dahil nakita kong may gulay ito.
Binaba ni sir ang kubyertos sa plato nito. Humarap sa akin at mataman ako tinitigan na naguguluhan ang eksprisyon ng mukha nito. Kaya napababa ako ng tingin.
"How'd you know I didn't eat vegetable" seryoso nitong tanong.
Mabilis akong uminon ng tubig. Halos naubus ko ang laman ng baso sa sobrang tension ko ngayon. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit yun pa ang nasabi ko. Nanlalambot ako.
"I-i presume sir" kinakabahang sagot ko. Hindi ako nakatingin sa kanya sa sobrang kaba ko.
Pero mas lalo itong nagtataka sa akin. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin niya .I felt uneasy.
"I don't think so. I can't say accidentally too" Wala sa sarili din niyang sagot habang deritso ang tingin nito sa akin
"And you know seafood is my favorite too. Thats why I got surprised when you brought me that food." Seryoso ito.
Napalunok ako. Gustong kong takasan ang akusasyon na nakatuon sa akin. Matalim ang mga mata nitong nakatungin sa akin. Lakas loob akong napatingin sa mga mata niya.
"Emma told me" pagsisinungaling ko.
Napayuko agad ako at napakagat labi hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga mata nito kaya lalo itong napakunot noo.at ang mukha nito ay lalong naguguluhan.
Mataman niya akong nititigan. At pinag aralan. Basi sa mga tingin niya na nagtataka. bumaba Ito ng tingin sa pagkain. Hiniwalay nito ang carrots pero isang subo lang siya. Tapos na rin itong kumain. Wala kaming imikan simula noon. Tiningnan ko sa mukha malayo ang nilalakbay ng utak niya. Parang malalim ang iniisip nito dahil parang hindi niya ako kasama sa tabi niya.
Nauna itong pumasok at sumunod ako. Sa tabi pa rin ako nakaupo. Pabalik na kami sa opisina. Umandar ang sasakyan. Tahimik kaming dalawa tanging ang ingay ng aircon at ingay ng sasakyan sa labas ang narinig ko.
"S-sory sir to spoil your lunch"hinging paumanhin ko. Mukhang malalim ang iniisip nito.
"No, it's okey". "Tipid na sagot nito.
Biglang tumunog ang cellphone nito. Kinuha niyang ito at inilapit sa tainga niya.
"Yes, hon" bungad nito sa tumatawag.
"I'm on the way to my office" sagot nito sa kausap.
"I'm so busy right now.can we make it some other time. I'm sorry honey."hinging paumanhin nito.
"Please do understand okey, " "Oh, come on. I don't have time for this. Im going to hang up now."agad pinatay ang end bottom.
"G-girlfriend sir?" biro ko sa kanya pero ang totoo gusto kung malaman.
"Yes," sagot nito na nakatuon ang mga sa kalsada.
"I see" .sagot ko na hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman.
Pinaniwala ko ang sarili ko noon pa man na wala na akong naramdaman sa kanya. Kaya wala na siguro akong pakialam sa personal niyang buhay. Dumating kami sa opisina. As usual boss-employee ang dating sa laki ng gap namin pareho. Pagdating ng uwian. Agad akong nag paalam sa boss ko at kay Emma. Sinundo ko si Nate sa school. Ang sakit sa damdamin pati ang anak ko nagsasakripisyo din. Buti nalang mabait ang anak ko. Pero na kokonsenya pa rin ako.
Una. Dapat hindi maranasan ng anak ko ito sa mura niyang edad kailangan pa niya akong antayin kong kelan ako darating
Pangalawa, may karapatan itong malaman kong sino nag ama niya. Pero kahit masakit man hindi ko masabi sa kanya. Kailangan ang ama niya ang makahanap sa amin. Ayaw kong isipin ang paglapit ko kay James ay nag uugnay sa amin sa pangalawa pagkakataon. Suko na ako. Sapat na yung sakit na nadanas ko noon