****JAMES POV**** Pagkatapos naming kumain binalikan ko si Anya sa kusina. Matagal ko itong pinagmasdan hanggang sa maramdam niya ang presensya ko. May gusto akong linawin dito. Ilang araw kung napapaginip ang babae sa paniginip ko. Pero lately parang naging totoo ang lahat ng panginip ko. Yung mga halik niya na ramdam ko pa hanggang sa pagising ko. Unti unti ng luminaw sa akin ang lahat mula nung nagdududa ako sa ikinikilos nito. Pero gusto ko ako talaga ang makatuklas ng lahat. Gustong gusto ko siyang halikan sa oras na iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Habang hinahalikan ko siya ang babaeng sa panaginip ko ang lumalabas habang nakapikit ako. Ang mainit nitong halik na puno ng pagmamahal. Napasabunot ako ng buhok ko. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Kahit hindi ko siya maal

