Habang lulan ng sasakyan, Hindi ko maiwasang panaka nakang lingon kay James. Nakikita ko ang saya sa mga mata nito. Kaya napasimangot ako sa mga inakto niya. Marahan niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at hinahalik halikan. Napalihim akong napangiti rito dahil may kung anong dulot ang init ng paglapat ng labi niya sa balat ko na ang sarap sa pakiramdam at nakaramdam ako ng kaginhawaan. “ Love you babe,” mahinang bulong nito. Nahabagya akong napalingon sa gawi niyo natuon ang mga mata nito sa daan. Badyang nagsalubong ang paningin namin ng tumingin ito sa akin kaya mabilis akong umiwas. “ I cant wait to be a father again.” sambit nito ng napalingon ito sa gawi ko. Bigla nagbago ang nararamdaman ko, may kung anong pait sa puso ko na gusto kong ilabas sa kanya. Napabuntong hininga ako.

