Chapter 39

1213 Words

Nagising si Blanca na parang may nagmamasid sa kanya. Nagmulat siya ng mata at bumungad sa paningin niya ang isang may edad na babae, medyo may katabaan ito at mababa ang taas, sa tingin niya nasa 5'1. "S-sino po kayo? naguguluhang tanong niya. Nilibot niya ang paningin sa buong silid, huling na-alala niya ay nakatulog siya sa hospital suite habang hinihintay niya si Brandon na bumalik mula sa opisina ni Dra. De Jesus. "Lady Blanca ako po si Irma, habang nandito po kayo ako po ang mag-aalaga sa inyo" bahagyang yumuko ito sa kanya. "Nasaan po ako?" pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili, naninikip ang dibdib niya sa kaba. "Nasa Blanca Island po kayo" tugon nito. "B-blanca Island" mahinang usal niya. "Youre awake!" tinig ng kanyang kapatid. "Kuya!" bulalas niya pagkakita sa kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD