"Anong plano mo ngayon Blanca?" tanong sa kanya ni Lexie. New Year's Eve, nasa playroom sila nina Drea at Drei, nakatulog ang dalawang bata sa pakikipaglaro nila. Sinundo siya nito sa cabin nila. Nagpaalam na pupunta ng kapitolyo ang kanyang asawa. Simula ng dumating siya mula sa Plaza noong isang araw ay hindi sila gaanong nag-uusap ni Brandon. Ramdam ni Blanca ang pag-aalala nito sa kanya. Pinilit siya ni Lexie na sabihin rito kung anong ang gumugulo sa kanyang isip, kaya pinagtapat niya ang lahat rito. "Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako natatakot para sa sarili ko. Ang inaalala ko ay ang aking kalagayan at si Brandon" naluluhang aniya kay Lexie. "Madami ng pinagdaanan si Kuya Brandon, saksi ako kung paano niya unti-unting pinapatay ang sarili niya noon" malungkot na wika nito,

