Nagtatangis ang bagang ni Brandon, si Rome ang isa sa dalawang tao na nagpapahanap sa asawa niya. "Are you okay!" nag-aalalang tanong niya sa asawa, namumutla ito at ramdam niya ang panglalamig ng kamay nito. "Siya ang napangasawa ni Kuya Brandon" tinig ni Lexie. "Hi I'm Rome, Benjamin Roman Henarez Santiago" Kasabay ng pagbigkas ni Rome ng pangalan nito ay ang pag collapsed ni Blanca sa bisig niya, buti na lang nakahawak ito sa kanya. "Blanca!" sabay nilang sigaw ni Rome. "Oh my God!" bulalas ni Lexie. Binuhat niya ang asawa at ipanasok niya sa unang silid na nakita niya. "What happened?" tanong ng Mama niya. "I don't know Mama" nag-aalalang wika niya. "Bro, let me check her" sambit ni Luke, kasunod nito si Sofia. Habang sinusuri ni Luke at ni Sofia ang asawa ay hawak niya an

