"Wala pa ba?" hindi mapakaling tanong ni Brandon kay DJ. "Kuya naman relax ka lang, hindi pa naman late ang bride mo?" nakangising asar nito sa kanya na sinamaan naman niya ng tingin. Panay ang tingin niya sa suot na relo, "Bakit naman kasi ang tagal nila!" reklamo niya. "Hijo naman kumalma ka nga, ano bang kinakatakot mo eh kasal naman na kayo hindi na makakatakas sa iyo ang asawa mo" nakangiting wika ng kanyang Mama na kinatawa ng kanyang buong pamilya. "Mama naman eh!" hinawakan niya ang kanyang batok. "Brandon anak, masaya kami ng Mama mo para sa inyo ni Blanca. Kung buhay sina Lucas at Beatriz siguradong pinakamasaya sila, alagaan mo at mahalin ang asawa mo" tinapik ng Papa niya ang kanyang balikat. "Opo Papa pangako po" nakangiting wika niya. "Kuya dumating na sila magready k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


