Chapter 12. Ivy Meets Who?

1977 Words

IVY'S POV Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya. Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako. Palabas na ulit sana ako sa kwarto nang mag-vibrate ulit 'yon ang cell phone niya. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag. Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya? Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko 'yong cell phone ni Trida para sagutin 'yon. Naisip ko kasi na baka emergency kaya tumatawag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD