02 The caretaker

1183 Words
Mara Jusko tita ano ba tong pinasok mong problema ko? Caretaker pala ah... Matawag na nga si kuya. Nang makalapit sa guard house ay napansin kong busy na nagtitipa sa phone si kuyang guard. "Kuya Alen kain na tayo." "Po?" halos di pa to makapaniwala na tinawag ko siya. "Hala ma'am bat kayo lumabas gabi na." Napabuntong hininga nalang ako saka lumingon sa bandang kusina bago siya muling hinarap. "Kuya kahit Mara lang itawag mo sakin. At sikreto nalang natin sa bisita na ako may-ari ng bahay. Kaya lika na kain na tayo. Naghihintay na siya." Ito ang unang beses na sasabay akong kakain sa trabahador. Madalas ay dinadalhan ako ng mga katulong sa kwarto ko dahil na din sa buong araw ako nagkukulong sa silid ko dahil sa trabaho ko. Buti nalang din at pinagbakasyon ko muna sila. Next week pa sila babalik. Teka bakit ba pinapakisamahan ko tita ko sa pagpapanggap niya? Aba di pwede to. Umiling iling nalang ako at dumeretso na kami sa kusina. Pagkarating ay naupo na kami ni kuya Alen at kumain. Tahimik lang akong kumakain nang biglang nagtanong si Ken. Tama ba? Ken pangalan nito? "Kuya gano na kayo katagal na magkakilala ni Mara?" tanong nito na halos nagpasamid sakin. Tinignan ko si kuya Alen na alanganing ngumiti saka tumingin sakin. "Alam mo ser. Mas nauna pa ako dito kay kuya Alen. Dito nako lumaki." Napabuntong hininga naman si kuya Alen at tuloy sa pagkain habang nakatingin naman si Ken sakin. Problema nito? "Ilang taon ka na?" "23" "Ah isang taon lang tanda ko." "Hmm, ano pala pinagbi-busyhan mo?" tanong ko, mayaman siguro to at kayang rentahan tong bahay. Kumurap kurap mata nito saka ngumiti ng malawak. "Secret!" Tinaasan ko siya ng isang kilay saka nagsalin ng tubig sa mga baso namin. "Parang di nagagamit TV dito noh? Di ka ba mahilig sa social media?" tanong ulit nito. Mabilis namang kumain si kuya at agad nagpaalam na hinayaan nalang namin. Baka mabuko pa niya pa ako. "Gumagamit ako ng sss messenger lang. Wala ng iba." "Youtube." "No" "Twitter?" "Ano yun?" Ibon? "Seryoso ka ba?" "Muhka ba akong nagbibiro?" saka ako tumitig sakanya. Infairness ang ganda ng mata niya matangos pa ang ilong at ang nipis ng labi. Ehem! Bumalik ako sa pagkain ko at kumain bago pa malipad kung saan ang mata ko. Pansin ko na tinignan niya yung phone ko mesa at nanlaki ang mata. "Is that ASUS?! Yung latest? Yung 60k?" Nanlaki naman mata ko na tumingin sa phone ko. Alam ko mahal to pero di ko alam anong phone to since I don't usually use it. Dahil sa laptop ako madalas sa kwarto ko. "Ah ewan. Regalo sakin yan." "Asan dad mo?" Wow. San galing yun? "Dead also my mom." "Ah sorry. I didn't know." hinarap nalang niya ang pagkain saka napabuntong hinga. "Okay lang. Di mo malalaman kung di ka magtatanong. Wag ka masyado maguilty jan." ngumiti ako para di siya masyado maguilty sakin. NGUMITI AKO?! Gagi. Ngumiti din siya saka humarap sakin. "Bagay mong ngumiti." --- Ken "Bagay mong ngumiti." nagulat din ako sa pagngiti niya. Halos puro pagsusungit nakita ko dito. Kung ngingiti man ngiting aso naman. Ngayon pulang pula muhka niya ang cute. Umiwas pa to ng tingin saka uminom ng gatas at mabilis inubos ang pagkain. "Sige. Una nako. Kung tapos ka nang kumain iwan mo nalang jan ako na bahala." Saad nito saka umalis ng kusina. Natawa nalang ako sa itsura niya at inubos ang pagkain ko. Di ko na sinunod sinabi niya at ako na nagligpit ng pinagkainan namin. Maya maya pa ay dumating siya na kunot nanaman ang noo. "Hala sabi ko ako na jan." saad niya "Tapos na. At pumunta ako dito ng ako lang. Wala akong inaasahang darating para maglinis ng kalat ko." Alanganin pa tong tumingin saka bumuntong hininga. "Fine fine. Akyat na ako. Kung may kailangan ka katukin mo lang kwarto ko. Katabi lang yun ng sayo." "Okay" kumaway nalang ako saka nagsipilyo, naglakad lalad pa ako ng hallway nang makita ko ulit yung silid. Masters bedroom ni tito, sinugurado ko munang walang ibang tao nang pumasok ako. Parang napaka-illegal ng ginagawa ko. Na totoo naman. Una kong pinuntahan ay yung lagayan ng album. Baka malaman ko kung asan si Mara. Yung Mara ko. Matagal pakong buklat ng buklat don at natulala nalang sa nakita. Muli pa kong tumingin sa pinto ng silid at inis na ginulo ang buhok. "Takte." Lumabas muna ng likod bahay para magpahangin di ata magsink in sa utak ko mga nalaman ko. "Kailangan ko mahimasmasan, kahit di ako naglasing." Sa ilang araw ko dito ngayon ko lang ulit naalala yung pool na nakita ko, well maintaimed ito dahil malinis at walang lumulutang na bulaklak at dahon kahit napapalibutan ito ng bogainvilla na puti. Mainit din ang tubig dahil sabi nung may-ari laging naka-off ang heater nito sa gabi. Inalis ko ang shirt at shorts ko at tanging boxers nalang natira. Lumusong agad ako at nag babad sa ilalim, madalas akong ganon lang manamit pag mag isa ko lalo na sa private pools na napupuntahan ko Pagbukas ko ng mata ko ay napansin ko ang paggalaw ng tubig kaya umahon agad ako at ito naman ang saktong paglusong ni Mara. Pareho kaming nakatulala dahil ilang pulgada nalang ay magdidikit na kami. "Anong ginagawa mo dito?!" tili nito saka kumapit sa gilid ng pool at linubog ang sarili hanggang leeg. "Nagbababad?" kinabahan ako bigla, parang ibang tao kaharap ko ngayon. "I mean bakit? gabi na?" "Same goes for you bat nandito ka?" napatingin ako sa bench at don nakapatong ang isang tuwalya at half full glass of wine. Kunot noo akong napatingin kay Mara na mejo namumula ang muhka. "Naglalasing ka ba? Kelan ka pa natuto?" "Pake mo? Kilala mo ba ako" umirap pa ito saka umahon at kinuha ang wine glass saka inubos ang laman niya. "You shouldn't be drinking lalo pag lalangoy ka." Yes I know you "Why? Worried?" Loko to ah. Worried ako? Tss. Obvious ba? "Pano kung may mangyari sayo dito?" "Worried ka nga? Bakit?" ngumisi pa ito saka lumangoy palapit sakin at kumapit sa leeg ko. I can smell the alcohol on her breath. "Ang baho mo." umiwas ako ng tingin saka sumandal sa gilid ng pool since di pa naman malalim na part itong kinatatayuan ko. "Bat ka namumula? Di ka pa naman umiinom ng alak." "Ikaw lasing ka na kaya umahon ka na at matulog." aalisin ko na sana pagkakakapit niya sa leeg ko pero lalo pa niyang dinikit ang katawan sakin at binugahan ako sa muhka. "Ano? Ulitin mo nga? Inuutusan mo ko?" she's drunk? Sa isang baso o kanina pa to umiinom? "Lasing ka lang." "Hindi. Isang baso palang yun at 7 percent lang alcohol nun. Ganito talaga ako." Kung normal niya to pano pa pag nalasing na siya?! "Aysh. Alam mo sige iahon mo nalang yan baka naiinitan ka lang. Naka-on pa naman heater ng pool." Imbis na bumitaw ay dinampi niya ang libi niya sa leeg ko na lalong nagpastiff ng katawan ko. s**t! Di pwede to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD