VENICE MARTINEZ's Point Of View MABIGAT na kamay na nakabatong saking baywang ang aking naramdaman pagkagising ko. Minulat ko ang aking mga mata at isang malapad na dibdib ang aking namulatan. Napaangat ako ng tingin sa lalaking katabi ko. Isang maamong mukha ang aking nakita. Bakit ang gwapo mo kahit nakapikit, Jared? Feeling ko kahit na madaling araw ako nakatulog ang sarap sarap pa rin ng aking pakiramdam. Parang hindi kulang sa tulog parang normal lang. Hindi ako gumalaw para hindi ko siya magising. Sana laging ganito araw-araw. Maamong mukha niya ang makikita ko pagkagising ko. Bango niya ang una kong malalanghap at yakap niya ang magpapagising sa akin. Pinakatitigan kong mabuti ang kaniyang mukha. Hinding hindi talaga ako magsasawa sa kaniyang gwapong mukha. Kung pwede ko

