JIBBSON RAMIREZ's Point Of View "MAY, ano sa tingin mo? Mananalo kaya tayo bukas?" Tanong ko habang karga karga ko siya. Sobrang gaan niya talaga para siyang isang dahon sa gaan. Walang sagot galing sa kaniya. "Inaantok ka na ba? Hindi ka na sumasagot." Linagyan ko ng tampo ang boses ko pero wala pa ring sagot akong narinig mula sa kaniya. "Ja...." Sabi niya. Napakunot-noo ako. "Hmm?" Nakatulog na ata siya at nanaginip pa. "Ja...." Sabi niya ulit at kinuskos ang kaniyang pisngi sa aking likod. Ano kayang napapanaginipan niya? "Jared...." Napatigil ako sa paghakbang. Mali ba ang narinig ko? Pangalan na naman ni Jared and sinabi niya? "Jared, bakit kasi hindi ako." Nanaginip niya sabi. Ah, ewan sa iyo Maymay! Mabilis akong nagdoorbell

