“Hey dad,” bati ko nang makita siyang sinasampay ang kanyang coat sa coat rack. Nakasanayan ko na ang kumain ng kanin araw-araw kaya heto ako’t naghahain. Simpleng tango ang isinagot niya tsaka dumiretso sa kwarto.
“What are you cooking?” My younger sister’s head suddenly popped out from the window.
Naibato ko ang kaninang hawak-hawak kong serving spoon sa bintana at buti na nga lang dahil may glass, “WHAT THE HELL?!” agad na nawala ang maliit nitong ulo sa labas. Narinig ko na lang na nasa likod ko siya at tumatawa na parang wala ng bukas. Sarap batukan kung hindi ko lang talaga ito kapatid. “That’s not funny Ran. How many times do I have to tell you that it’s dangerous to do that?” tawagin niyo na itong sermon pero bahala na, kasalanan ko bang mahal ko kapatid ko?
“Why? Because it always surprises you?” aba pinipigilan niya pang tumawa ah? Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at sinabayan ng mga malalalim na paghinga.
Kumalma ka, kapatid mo pa rin siya Ox. Tangina.
7:15 PM
Nagpaalam si dad sa amin na aalis na siya upang magtrabaho. He’s more like a seaport attendant and he’s got the nightshift, his shift ends around 3:00 AM or unless dumating yung papalit na naman sa kanya. Si Ioran lang ang may ganang sumagot tapos— mahabang katahimikan para sa tahimik na Rocholigh. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang panunuod ng balita sa telebisyon.
Umalis na siguro si dad, “Ox alam mo na ang gagawin mo,” at least that is what I thought.
“Yeah… just make sure to lock the door d-dad,” aking tugon, nasa telebisyon pa rin ang aking atensyon. Sa ngayon alam kong tuluyan na nga siyang nakalabas dahil sa ingay na likha ng pintuan.
News: There will be an eighty-three percent chance of rain fall along the western part of the small town of Rocholigh. Don’t forget to bring umbrella, raincoats, and jacket to—
“Uhh can I go to the public library sis?”
Nanatili sa ere ang aking kutsara na isusubo ko na sana, “With whom? And why?”
“Duh of course with myself, like what do you expect? Obviously because of this homework which I find difficult to you know.”
I rolled my eyes, “You should’ve gone there when it was still daytime and not this… gosh I don’t know what to do with you anymore Ran.”
She waved her hands frantically right in front of my face, “I tried to but you told me to go home as soon as the classes ends right? Tomorrow’s due so accept it or not, I am going there!” oh, I told her that? How dare she yell at her eldest sister? This kid.
“Well, homework and such are exception dumbass. A text would work if you totally keep those plans to your mind, I can understand and can even pick you up—”
Pinutol niya ang sasabihin ko, “With what Assie?! With your crappy bike? Look, I don't have time to argue with this nonsense. I still have more important things to do so if you may just shut up and let go!” agad siyang tumayo. What an ill-mannered kiddo. “You can’t even drive a car without having to bump in every single obstacle.”
Hmm… tama naman siya but to call my own bike ‘crappy’? I won’t agree with that. Hindi ko nalang siya sinagot muli, swerte siya dahil hindi ako gaya ng ibang mga nakatatandang kapatid na konting sign lang ng disrespect mula sa nakababata ay ratatatat agad. She’s somehow lucky that I am a calm, understanding, at mapagkumbaba. Matagal ko na siguro siyang nasipa pero magiging masamang ate naman ako niyan kung titingnan.
Maya-maya ay napansin ko siyang bumaba suot ang oversized gray sweatshirt— akin iyon ah!
“Ran naman! Susuotin mo na naman ba damit ko? Ilang beses na kitang sinabihan na—” Ioran gave me a puzzled stare. Napa facepalm ako sa isip. Konti lang pala ang naiinitindihan niyang tagalog, langya oh. Parang hindi iniluwal sa Pinas ang loko. “W-why are you wearing my sweatshirt?!”
She smirked, “It’s just for this night Ox, stop overreacting.” I sighed. Ni kahit kalian ay hindi ko siya narinig na tinawag niya akong ‘ate’ a tagalog word for an elder sister. Ah, baka hindi niya din alam kung ano iyan. Psh.
Sumunod ako sa kaniya nang lumabas siya, laking pagtataka ang naipinta sa kanyang mukha nang makita akong may dala-dalang flashlight. Responsibilidad ko bilang ate ang samahan at masiguradong ligtas si bunso, ako rin naman ang malalagot nito eh. The eldest gets to be blamed right? Sabihin ko mang ayaw ko talagang lumabas sa bahay para lang samahan siya sa public library na iyan, mayroon din namang parte sa akin na ‘dapat’ kasi gabi na. Habang nagbibihis kanina si Ioran ay nagmamadali rin ako sa pagsasara ng mga bintana’t pintuan at pagdo-double check nito, di na ako nag abala pang magbihis ng panibagong damit, okay na ang t-shirt na sinapawan ng baby blue na jacket at checkered white, black, and blue pajamas.
“What the—”
“Watch your mouth Ran,” banta ko. She ended up continuing the word ‘hell’, what a freakin’ ridiculous kid. Bumuka ang bibig ni Ran upang magtanong pero inunahan ko na siya, “Yes dear, I am tagging along,” at ngumisi… ng masama. Subukan niya lang talagang kumontra malalagot na talaga siya sa akin.
“Fine,” she replied in defeat.
Sinuot niya ang kanyang bonnet na may letrang ‘IHC’ bilang inisyal ng pangalan niya. Naaalala ko ‘to, I was the one who knitted that as a gift for her 9th birthday. Now she’s already eleven and I just can’t believe that she is still wearing that thing I gave her, I hid my smile so that she won’t notice how flattered and honored I am.
I trust Rocholigh: walang mga siraulong mantitrip sayo kahit babae ka at mag-isang maglakad pauwi sa dis oras ng gabi, mga disiplinado at maaayos ang mga tao dito, hindi nawawala ang mga tanod na nagroronda sa kahit saan (ewan ko kung anong tawa sa kanila basta nasanay na akong tawagin itong tanod), tsaka lahat ay may takot sa Diyos at sa gobyerno naming tapat. Yes, sinasabi kong tapat ang gobyerno namin dito hindi na kinakailangan pang ipaliwanag ko kung bakit o paano dahil tiyak na kukulangin ang labindalawang pahina sa kwento kung gagawin ko pa. Gayunpaman ay bibigyan ko kayo ng tatlo: (1) hindi corrupt ang mga kasapi ng pamahalaan (alam ko iyan dahil may pakialam ako) kaya matiwasay kaming namumuhay dito sa Rocholigh, they always make sure to keep us updated about everything that often makes me annoyed. (2) They never tried to dominate the ordinary ones and they are completely fair, mayaman sila sa aming mga mata at utak but they never acted that way. (3) They have care and respect for their co-citizens. Kaya nga sa mga nagdaang taon ay wala pang mga crime rates, nakawan, road incidents, and etc. na nagaganap sa amin unlike any other municipalities, cities, and/or state.
Ɣ Ɣ Ɣ
Nakatayo na kami sa labas ng public library. Siyempre gawa ito sa semento pero pininturahan ng mga kulay na nakakaakit sa mata ng mga madla, napaghahalataang luma na rin ito dahil sa uri ng disenyo, at may matitibay na mga haligi at bubong dahil madalas kaming tamaan dito tuwing bumabagyo (pinapalibutan kami ng dagat at isang isla sa east).
Akmang papasok sa loob si Ioran nang mapansin niyang hindi ako nakabuntot sa kanya, “What are you doing out there?”
“Obviously waiting,” sagot ko at ibinulsa ang aking mga kamay sa bulsa nang suot kong jacket.
“Are you nuts? Look Octxie you're too old enough to be told the ‘these and that’,” she remarked in disbelief. Haayss dami pang satsat, nakakawalang gana tuloy.
“It’s not anymore of your concern Ran. Just get the hell inside and hurry up for Triggo’s sake!” damn I realized that it’s getting cold beneath. She scrunched up her face before turning her back against me. “I’ll be somewhere else, leave me a message, and never come home without me understood?” Ioran partially raised her left hand before she finally went inside the chamber I surely am to be warm.
Damn it’s really cold outside. Inikot ko ang aking tingin sa paligid, ni kahit shed wala, sayang nga lang dahil nakasarado na ang nag-iisang hamburger stall na nakapwesto dito sa kinatatayuan ko. Parking area na nasa dalawang kose, dalawang motor, at tatlong bisekleta ang naka park. Medyo may kalayuan ang public library sa ibang establisyemento dahil nangangailangan din naman ng katahimikan ano, nakadisenyo ang mga puno’t halaman sa mala-propesyonal na plano, ang mga ilaw ay katamtaman lang ang liwanag para sa mata, doon sa balkon ng public library ay may dalawang mahahabang silya ngunit ayoko nang magpunta pa doon, at ngayong dis oras ng gabi ay mas nararamadaman mo ang katahimikan ng mundo. Iyong maririnig mo lang ay ingay ng mga ibon kapag natutulog, ang naghahalo-halong tungo ng mga insekto at iba pang mga nilalang na naglalaro sa iyong tenga na parang sirang plaka, at ang pagtaghoy ng hangin na sumasabay sa ganda ng buwan sa mabituin na kalangitan.
Perpekto na sana kung maririnig ko ang alon sa karagatan…
The reason why I never went with Ran inside? I dislike books; its scent, texture, appearance, and the temptation that naturally lies within. I'm afraid that Ioran might have the urge to go back home first than me, that I might get stuck, and will love again for something and someone that is literally in parallel world. I am afraid that I might become an addict for a cause— a book lover.
I backed for a little not until…
“I’m s-sorry!”
Gulat akong napatingin sa kanya. Inobserbahan ko ang tindig, ang porma ng mukha at pangangatawan niya, at kilala ko ang paghingal na iyon.
“Ahh you! The thirsty guy. Sorry but I did not bring any liquid you can drink on,” I exclaimed after finally recognizing him. This was the dude who was screaming my name for some rubbish reason, “and why were you the one saying sorry? It was supposed to be me you know,” I added. He’s way too tall so I had to look up unto him.
He did not spoke. Hmm okay. Marami siyang dalang kwaderno, dalawang libro, at pencil case na kulay itim na may logo ng ‘wicked’— pfft ang cute. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa pencil case niya sapagkat sinubukan niya pa itong itago sa kanyang likuran. By doing so, his belongings were dropped immediately on the cold ground. Mabilis siyang yumuko upang kunin ang mga gamit niya, what an ungainly creature we have here.
I helped him pick things up. I don’t wanna look rude on someone. People nowadays.
“Hey,” he uttered in a low hoarse voice. “T-thanks for saving my c-crappy life like y-yeah.” Oh, that’s it. Fair enough. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa pintuan nang public library, lumingon-lingon pa siya sa may bandang likuran ko na parang nakakita nang kung anong nakahihindik na nilalang.
7:58 PM
Hanggang 9:00 PM lang ang operating hours ng library kaya siguro siya nagmamadali. I had no other choice but to wait, ginusto ko ito eh. Minsan talaga ay masasabi kong nagiging gaga ako. Umikot ako tsaka sumunod sa hakbang ng aking dalawang paa, kailangan ko rin sumunod paminsan-minsan sa mga direksyon na tinatahak ng paa ko dahil kadalasang itong nagiging tama. Tamang lakad lang doon at hindi nga ako nagkakamali na piliing sumunod sa aking mga paa. Pinili kong umupo doon sa— wala akong kamuwang-muwang na may dalawang duyan pala dito na gawa sa lubid at mesh na nakatali sa apat na matitibay na kahoy. Di gaanong malayo mula sa pwesto ko kanina tsaka isa pa, nasa tago at madilim din kasi ito na bahagi kaya hindi ko nabigyang pansin kaagad.
Hinanap ko ang dakong kinalalagyan kung saan ako kumportable. Ang tagal ko ring hindi nakaupo ng ganito parang bumalik ulit ako sa pagkabata kung saan ay nagduduyan ako malapit sa palayan na natatabunan ng malalagong dahon ng punong langka habang umiihip ang hangin na sobrang sarap damhin sa balat. Sumandal ako dito habang binababa ang aking mga paa at tumadyak sa lupa upang maramdaman ko ang tila’y paglipad sa ere. Memories bring back nga naman.
“You should not use his name for expression,” I was shocked, not because I thought it is a ghost, hell no I ain’t believe in something that I haven’t actually seen yet. “he won’t like it.”
Who the heck is this chic?
--- POV
“Why not? Is Triggo a self-proclaimed god? To be honest stranger, he’s just a lost mongrel without his ‘fake’ friends and family.”
“He is not a god you silly,” I chuckled. She could pass as a comedian with that statement. “Just don’t okay? If I was someone t-then tomorrow til forever is always going to be your bad days.” I add.
Hindi ako nagkamali ng hula, halata sa mukha niyang hindi niya ako kilala. This girl, she really doesn't give a damn with people around the school that is what making her more intelligent at a young age. Kaklase ko siya noong middle school pero sa senior high ay hindi na, iba kami ng strand na tinahak. Ako si Filar Tiwai Alturas tinatawag ng lahat bilang FAT na mula sa pinagbaliktad na first letters of my full name.
Ako na ang naunang nagpakilala sa kanya kahit ilang beses na namin itong ginagawa noong mga nagdaang pasukan, “I’m FAT.”
Nagtagpo ang kanyang mga kilay na natural nang makapal, “No you’re not,” she replied.
“I am FAT,” I reiterated. Huminto siya sa pagduyan at tinitigan ako sa mata, this is awkward.
“You’re not fat okay?”
Ah! Hindi pala kami nagkakaintindihan dito eh, “No no! What I mean is— t-that’s my name’s acronym. Everyone in the school call me… that,” paglilinaw ko at umupo sa bakanteng duyan na kaharap lang din nang sa kanya.
She’s nodding, “Why on earth would they give you that horrible name? By the way, what does FAT meant?” nakatingin si Octxie sa akin. Ngayon ko lang siya nakausap ng malapitan at mas natingnan ng malapitan, napansin ko na parang may nunal siya kaliwang gunmetal blue na mga mata. Is this for real?!
May katangkaran siyang babae (maybe about 5’6 ½”), pear-shaped body, shoulder length drooping and nourished amber hued hair, her buff skin, sharp looks, and oval-shaped face with definitive structure shouts ‘mind your own crap’. Damn this woman! She could make as the batch’s valedictorian if she just shows some— like being friendly, answer mind-blowing questions, join competitions or talent shows, and hmm… make herself more presentable? She is attractive for me but to clear things out: (1) I am not gay, (2) I am 98.5% lady, (3) I am only into guys— hot guys to match my description.
“Filar Tiwai Alturas, eighteen.”
She drew her lips into thin line, “I don’t see any FAT in there. It should be FTA and not the other way around,” she remarked and started swaying the mesh-made hammock back and forth.
Our conversation did end there. She’s not a good talker, I can sense it. Palagi ba kaya siyang tumatambay dito kapag gabi? Ang astig naman niya parang walang time curfew sa bahay nila ah? Nakaangat lang ang tingin niya sa maliwanag na buwan at bituin.
I stared on her pajamas. Really? A pajama this late night? Wow wala nga talagang pake sa pananamit niya. “Uhh may I k-know your name?” agad na napunta ang atensyon niya sa akin. Hindi ako nabubuhay nang walang kausap kahit alam ko na totoong pangalan niya, “You know we’ve been talking and I, I mean you—”
“Octxie Chivas and I am known as Assie. Wondering why that nickname sounds cheap and awful? Those deaf dipshits made that,” tugon niya at nag smirk. I know what she meant but did I just saw her smirked?
May tumatawag sa cellphone niya, kanya namang sinagot agad. Maya-maya ay may taong paparating sa kinaroroonan namin. Palapit nang palapit.
A pretty kid?
“Good thing you're done, let’s go home.”
Kung makasabi naman ng ‘good thing’ ay parang di man lang natuwa na may nakausap at may sumama sa kanya. Boses niya parang namatayan wala man lang taas-baba ang tono, puro straight eh.
Tumayo si Octxie upang maglakad na sana papalayo pero pinigilan siya ng batang nakatitig sa akin ng masama, “Aye Ox who’s she?” this kid looked exactly like Octxie though much younger. Same hair style, their faces’ bone structure, I can’t clearly see their eyes and lips but I know it’s both unlikely, and the stance well… mas tuwid pa tumayo ang bata kesa sa kanya.
Lumingon si Octxie sa direksyon ko, “Ah just a stranger who’s named Tiwai?” mukhang pati sa pagbanggit ng pangalan ko ay di siya sigurado. “Tiwai, this my baby sister, Ioran and we’re leaving.”
She called me by my second name?
Pinagmasdan ko lang ang pigura nilang naglalakad palayo. Ang cute nilang tingnan magkakapatid.... na sana’y mayroon din ako. I think they are arguing from afar because I can hear a bit of words they were throwing at each other’s face. I never knew she knows how to bid goodbyes though she never said the right term. Assie the wimpy, hope you still remember me the very next day.