TW: mention of alcoholic drink BAKIT ba napaka malas ko sa pag-ibig? Yung taong gusto ko, hindi ako ang gusto. Wala naman s’yang iba, hindi lang daw n’ya talaga ako tipo. Ewan, ‘di ko alam kung alin ang mas masakit. Ang makita s’yang nahuhulog sa iba o tanggapin ang katotohanan na hinding-hindi n’ya ako pagtatapunan ng atensiyon at pagtingin. Lecheng buhay naman, oo! Tawagin n’yo na akong desperada pero madali lang talaga akong mahulog sa tao lalo na kung pasok s’ya sa panlasa ko. Pero, malas, malas, malas! Hindi ko yata kakampi ang kalawakan. May hitsura naman ako. May utak. Marunong naman akong magluto. Nakaka-intindi ng nota at nakakapag-gitara. Magaling din akong magpinta o kumuha ng retrato! Ang tanging hadlang lang talaga ay ang mga edad namin. Ayaw n’ya sa mas bata. H

