Makalipas ang kalahating oras, lumabas ang doktor mula sa kwarto ni Don Badong. Kaagad naman itong nilapitan nina Miguel at Ricky at kinausap kung ano ang kalagayan ng kanilang ama. "Nasa stable na ang inyong ama, Mr. Acosta. Hindi makabuti sa kanya kung bibigyan siya ng sama ng loob; baka sa susunod ay hindi niyo na maililigtas pa ang inyong ama," diritsong sabi nito at saka umalis sa harapan nila. Kaagad pumasok sina Miguel at Ricky sa loob ng kwarto. Nagpaiwan ako sa labas at sinundan ang doktor ni Don Badong kung saan iyon patungo, ngunit napahinto ako nang huminto ito sa isang kwarto at kaagad pumasok sa loob. Agad-agad akong pumasok sa loob ng kanyang opisina habang nakaupo na ito sa kanyang upuan at may sinusulat. Ngunit napahinto din ito nang mapansin akong nakatayo sa harap niy

