CAMILA'S POV: Pagkalabas ni Miguel sa kwarto, dali-dali akong nag-ayos. Ang buong katawan ko'y masakit pa rin dahil sa ginawa niya sa akin. Ano ba ang tingin niya sa akin, isang unan na puwede niyang balik-baliktarin sa kama tuwing napapagod siya sa isang posisyon? Sa ilang taong magkasama kami, ngayon lang niya nagawa ito sa akin. Matapos kong maayos ang sarili, tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng dalawang bata na tila naghihintay sa aking paglabas. "Tamir, Angelo, bakit kayo nandito sa may pinto?" Mahina kong tanong. "Nag-aalala kami sa'yo, Tita. Pinaparusahan ka ni Papa dahil sa amin. Pasensya na. Wala kaming nagawa para makatulong," sagot ni Tamir. Umupo ako sa harap nila, may ngiti sa labi ko, at hinawakan ang kamay ni Angelo. "Ayos lang, hu

