Nilagay ko na ang pagkain sa tray, mabilis ko itong kinuha sa mesa at lumabas ng kusina para dalhin kay Loriene ang kanyang almusal. Mahina pa rin siya; hindi ko alam kung bakit hindi pa siya gumagaling. Lagi siyang dinadalaw ng doktor niya para tingnan siya. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Loriene, at pagkarating ko, agad kong binuksan ang pinto. "Loriene, nagdala ako ng almusal para sa'yo," sabi ko habang binubuksan ang ilaw. Bakit ba nakapatay ang ilaw at nakasara ang kurtina? Ang dilim at ang init sa loob ng kwarto. "Loriene, alas-siyete na ng umaga. Pwede bang magising ka na?" sabi ko habang papalapit sa gilid ng kama. Inilapag ko ang tray sa maliit na mesa at saka binuksan ang kurtina at ang bintana. "Loriene, gising na," mariin kong sabi, nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ni

