Chapter 1

1140 Words
Allison's Pov         Tumunog na yung alarm clock ko at bumangon na ako alangan naman natulog ulit. Naligo na agad ako at nag suot ng paldang hanggang tuhod ko,maluwag na damit, malaking salamin at nag pont tail. Tapos na ako at bumaba na         Sanay si Manang na ganito ang itsura ko tuwing papasok. Yung mga parents ko wala na sila pinabayaan na nila ako tanging si Manang na lang ang nagpapalaki sa akin.          Kaya ako nag papaka nerd dahil ayoko ng attention, gusto kong peace lang ang buhay ko sa Montefalco Academy. Sanay akong binubully pero wag lang yung susugatan nila ako dahil hindi ako mag dadalawang isip na patayin sila. Nag kukunyari din akong mahirap kaya nasakay ako ng tricycle minsan nga nag lalakad lang ako.            At ngayon dahil first day mag tataxi ako ayokong mag trycycle kasi baka madumihan yung damit ko umulan ka naman kahapon.          At mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Montefalco Academy.         Bumaba na ako sa taxi,siyempre nagbayad ako. Pag pasok ko sa MA lahat ng madaan ko parang diring diri sila sa akin nag kibit balikat na lang ako dahil mas gusto ko pang ganyan nila ako tratuhin.           At asyuswal section A na naman ako at sa dulong dulo ako umuupo pag pasok ko naman, para lang akong hanging dumaan sa kanila. Habang nag lalakad ako biglang may tumisod sa akin dahil para madapa ako.         "Wag ka kasing feeling model kung maglakad, feeling mo naman sexy ka eh ang katawan mo nga parang kahoy hahaha"At doon na nag tawanan ang mga kaklase ko, hindi ko na lang pinansin at nagbasa na lang ng libro.          Tumigil na din ako sa pag babasa ng dumating na ang prof namin. Lahat naman kami bumati sa kanya.          Nang nasa kalagitnaan kami ng lesson biglang may sumipa sa pinto mula sa labas, awtomatikong napatingin kami.          Bakit sila nasa section A siguro dahil nung isa sa kanila ay ang apo ng mayari ng Montefalco Academy. Siguro nakiusap na mapunta sa section A, napailing tuloy ako sa isip ko.          "Bastos na bata"Pailing iling na sabi nung prof namin          "Di ka pa nasanay"Sabi nung isa sa kanila na nakataas ang buhok at kulay pula.          "Umupo na nga lang kayo kung hindi lang tala-"Naputol ang sasabihin niya ng mag salita yung apo ni Mr. Montefalco          "Ang dami mo pang sinasabi"Bastos talaga, kung hindi lang ako nagpapakanerd ngayon kanina ko pa si hinagisan ng upuan.           Umupo naman sila medyo malapit sa akin kasi tatlong bakante lang naman yung pagitan namin.           Biglaan naman nag pa quiz si Prof para sa stock knowledge namin at dahil ako ang pinakamatalino sa section namin natapos na agad ako at nag basa na lang ulit ng libro.           "Nerd na panget"Alam kong ako yun kasi ako lang naman nerd dito. Tinignan ko naman kung saan nanggaling yung boses at iyon ay sa tatlo at ang tumawag sa akin ay yung cold sa kanila.          Walang emosyon ko lang silang titignan. Makikipag titigan lang ba sila sa akin kaya nila ako tinawag?Babalik na sana ulit ang tinigin ko libro na binabasa ko ng mag salita naman yung kulay red na nakataas yung buhok.           "Pakopya di namin alam yung sagot"Hayst lahat na lang wala akong nagawa kung hindi ibigay yung papel ko sa kanila binalik naman nila agad sa akin.           At ng lunch na at ngayon ay papunta ako sa locker ko. Pagbukas ko ng locker ko biglang bumulaga sa akin ang mga papel at may mga bulok na saging pa at may nakasulat pang Nerd na panget.          Tinapon ko na lang ito sa basurahan at lahat nang nakakita sa akin ay pinagtatawanan ako.Sanay na naman ako ano pa bang bago?          Habang nag lalakad ako may nakabunggo ako dahilan para mapaupo ako sa sahig, pinulot ko naman yung mga librong natapon.          "Ang tanga tanga mo kamo,bulag ka ba?Nakita mong dumadaan ang dyosang katulad ko at humaharang pa ang isang beast"Mataray na sabi niya sa akin tumungo lang ako, ganyan naman lagi ehh         "Sorry"Tangi kong sabi          "Sorry?Nakita mong dumikit na yang madumi mong balat sa makinis kong balat.Sorry lang ang sasabihin mo?Halikan mo ang paa ko"Bigla naman may kumuha ng putik at nilagay sa paa nung babae.             Ang dami na palang nanonood sa amin.Hindi ko gagawin yung sinasabi niya.Ano ako tanga para gawin yun.           "Pwede bang wag dito"Mahinahon kong sabi sa kanya ngumisi naman siya at sinabunutan ako.Hindi sinasadyang mahagis niya ako dahilan para mauntog ako sa locker.Ramdam kong may umagos na dugo mula sa ulo ko.           At ngayon kami na lang dalawa,nakangisi siya ngayon at tinadyakan ako.          Bigla naman akong tumayo at tinanggal ko yung salamin ko kasi baka mabasag.           Akma niya akong sasampalin pero hinawakan ko ang kamay niya.            At ngayon ako ang sumampal sa kanya,tinadyakan ko siya sa sikmura at hinagis din sa locker nakita kong duguan na siya.           "Sweety ok lang sa akin na sabihan mo ako ng masasakit na salita pero wag mo akong gagalawin"Biglang nanlisik ang mata niya sa akin.           "Go to hell"Madiin niyang sabi sa akin kaya lalo akong napangisi           "Hell is my territory,gusto mo bang pumunta dun?"Nakita ko sa mata niya ang takot,yan ang gusto ko matakot lang kayo sa akin.           "Sino ka ba talaga? "Umiyak na talaga siya tsk kala ko pa naman matapang iyakin naman pala.            "Ako lang naman si Allison Autumn Sy ang anak ni Satanas,nakatira ako sa impiyerno.Sabihin mo lang kung gusto mong pumunta sa bahay ko,ipupunta kita doon.Wag kang mag alala malapit ka nang pumunta sa bahay ko.Wala kang pag sasabihan sa nangyari kung ayaw mong mapunta sa bahay ko"Umalis na ako sa kanya at siya naman ay tulala sa mga sinabi ko.            Yun kasi ang ayoko ang sinasaktan ako,wala naman kasi akong pakielam kung sabihan nila akong tanga,bobo,panget at kung ano ano pa basta wag lang nila ako sasaktan dahil papatikman ko sa kanila ang tunay na impiyerno.           Hahaha natawa bigla ako sa nasabi ko kanina na anak ako ni Satanas.Baka anak talaga ako ni Satanas de joke.          Ang sarap ng first day,naisip ko tuloy kung ano ng nangyari dun sa babae?Sinuot ko na yung salamin ko at umuwi na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD