10.2

1878 Words
When Hailey woke up the following day, hindi niya nadatnan si Rovi. Napataas tuloy siya ng kilay. “Di man lang ako ginising ng walang hiya bago siya umalis?” ngitngit pa niya habang naglalakad papunta sa lababo para magmumog. Tapos, nakita niyang may tasa roon na may lamang kape. Nasisiguro niyang walang naiwang hugasin bago siya natulog kanina kaya tingin niya’y pinagkapehan iyon ni Rovi. “At talaga namang hindi man lang hinugasan ang ginamit na tasa, oh? Ni hindi pa inubos!” Iritang-irita siya hinugasan ang mug. Tapos, saka lang siya nagdesisyong maghanda nang pumasok sa trabaho. Dapat siguro kumuha na ako ng kotse, isip niya habang sakay ng elevator. Pababa na siya sa ground floor. Para hindi hassle ang pagpasok sa umaga. Well, kasama sa benefits niya sa trabaho ang magkaroon ng sariling kotse at gas allowance. However, she didn’t claim that benefit dahil mahal ang renta ng parking space sa condominium niya. It would take like a quarter of her remaining salary after she deducted the rent. Hindi naman sagot ng kumpanya niya ang bayad sa renta, kaya naman minabuti na lang niyang humingi na lang ng transportation allowance. Saktong paglabas niya ng elevator ay biglang nag-ring ang kanyang cell phone. At sino naman kaya itong tatawag sa akin nang ganito kaaga, may ghad! Ngitngit niya habang kinakalkal ang phone sa bag. She didn’t bother to check who it was before accepting the call. “Hello?” “Hailey, nasaan ka na?” Natigilan siya. Si Rovi! “Ha? Papasok na, bakit?” Then, she remembered what happened earlier. Bigla na naman siyang nainis. “By the way, bakit ka nga pala—“ “Labas ka na sa lobby. Nandito na ako sa harap.” Natigilan siya muli at napakurap-kurap. “Ha?” “Lumabas ka na kamo. Dali. Mag-aalmusal pa tayo.” Naguguluhan man siya sinabi nito, agad naman siyang sumunod. Una niyang nakita ang isang pila ng mga sasakyan sa lobby. Then, she looked to the left and noticed that the second car was Rovi’s. Nakabihis na na pang-opisina ang lalaki. Kumaway pa ito nang makita siya. “Tara, sakay ka na,” saad muli ng lalaki bago binaba ang tawag. Agad naman siyang naglakad patungo sa kotse nito at sumakay sa shotgun seat. “Good morning,” bati ng lalaki. “Nag-breakfast ka na?” Umiling siya. “Baka isuka ko lang. Alam mo naman, masyadong maselan pagbubuntis ko.” “Wow.” Napakunot siya ng noo. “Anong wow ka dyan? Anong nakaka-amaze doon? I’m suffering here, Rovi!” “That’s not what I meant. Ang ibig kong sabihin, I’m amazed na nasasabi mo na iyan casually.” He smirked. “Parang kahapon lang, halos itanggi mo pang buntis ka nga.” She sneered. “Tse!” She rolled her eyes. Napailing-iling na lang si Rovi saka niya inabot ang seatbelt at sinuot dito. While doing that, hindi maiwasan ni Hailey na ma-amaze. Ang gentleman kasi nito. “All set?” tanong nito ulit. “Wala ka nang naiwan? Gamot mo?” Napamulagat siya. “s**t, oo nga pala! Wait, babalik ako.” Akmang aalisin niya ang seatbelt pero mabilis siya nitong pinigilan.  “No need,” sabi nito. “Nilagay ko na sa bag mo kanina.” Nginusuan nito ang purse niya. “But just to be sure, check mo na rin ulit.” Nagtataka niyang binuksan ang bag. Hindi naman nagkamali ang lalaki. Nakita niya ang papel na supot na naglalaman ng gamot niya. “Okay, that’s good. At least, hindi mo naiwan.” Binaba na ni Rovi ang hand brake. “Wala ka nang naiwan, ha? Arangkada na tayo.” Tapos, nagmaneho na ito dahil saktong umandar na ang nasa harapan. “Bakit nga pala nasa bag ko ito?” tanong ni Hailey matapos isara ang purse. “Oh, that. Nakita ko kasing nakakalat sa sala. Baka maiwanan mo pa, kaya nilagay ko na lang sa bag mo bago ka umalis.” “Wait, so you’re telling me na pinakialaman mo ang gamit ko?” “Uhm, sort of, I guess?” “Anong sort of ka dyan?! Ginalaw mo nga talaga!” Pinandilatan niya ito saka muling binuksan ang bag at tiningnan kung walang nawala roon. Muling natawa si Rovi. “Don’t worry, wala akong kinuha dyan. Hindi ako magnanakaw.” Okay, good. Wala namang nawala, isip niya saka hinugot pasara ang zipper ng purse. “Walang magnanakaw na umaaming nagnakaw sila.” “Yeah. Tama ka naman. But rest be assured na wala akong ninakaw dyan. And I can tell naman na wala ngang nawala dahil sinara mo na ang bag mo. Am I correct?” She rolled her eyes. “Whatever.” Tapos, tumingin siya sa bintana.  Then, she smiled to herself. Gentleman nga talaga si Rovi. Maalaga itong tao. - The whole week passed. Sa awa ng Diyos, effective naman ang niresetang gamot kay Hailey kaya nawala na ang morning sickness niya. Problema nga lang, malakas magpaantok ang gamot. Hindi rin nakatulong na pinagbawalan muna siyang magkape kaya naman hirap na hirap siyang magtrabaho sa umaga. Gaya na lang nang sandaling iyon. Hailey was making some report. Normally, it would take her short time para matapos. Pero dahil pilit niyang nilalabanan ang antok, napakabagal niya.  “Pucha kaya pala di nagtutugma yung data. Mali pala na-input kong number,” naiinis niyang sabi matapos reviewhin ang report. Marahas siyang napakamot ng ulo saka itinama ang dapat itama. “At salamat naman at natapos din—“ Naputol ang sasabihin niya nang humikab siya nang malakas. Napatingin tuloy ang nasa katabi ng table niya. “Antok na antok ka, ah?” sabi pa nito.  “Sorry,” sabi na lang niya. Tapos, ni-print na niya ang file. Connected sa de-wifi na printer iyon, at matatagpuan ang print malapit sa entrance ng opisina nila. Saktong patayo siya nang madatnan niyang naglalakad papunta sa kanya si Rovi.  “Tapos ko na yung report. Pi-print ko na lang,” bungad niya rito.  “Oh, that’s good,” nakangiti namang sabi nito saka inabot sa kanya ang 22 oz na basong hawak nito. “Anyway, binilhan kita ng cucumber juice.” Tinanggap niya iyon. “Thanks. Anyway, kunin ko muna—“ “Ah, no. Ako na. Upo ka na lang dyan. Wag ka na magpakapagod, okay?” Tapos, umalis na ang lalaki at lumapit sa printer. Saktong tapos na rin mag-print ang file kaya kinuha na nito iyon bago bumalik sa table nito. Hailey just watched him the whole time. Napapakamot na lang siya ng ulo dahil doon. “Sweet ni Sir Rovi sayo, ah?” kumento muli ng katabi niya. Hailey decided to sit down again before she faced him. “Talaga ba? Bakit mo naman nasabi?” Natawa ito. “Di pa ba obvious, girl? Tamo nga, oh?” Nginusuan nito ang inumin na bigay ng lalaki. “Tell me, nanliligaw ba siya sayo?” Napamulagat siya. “Luh? Hindi, ah?” “Weeeeh?” She even made a funny face. “Oo nga. Hindi siya nanliligaw sakin.” “E bakit sya ganon sa `yo? Ang bait masyado?” She just shrugged her shoulders saka tinusok ang straw sa takip ng inumin. Of course, nobody knew yet na buntis siya. Mahirap na at baka makaapekto pa sa career nila, hindi ba? Although it was unheard of sa kumpanyang pinapasukan nila, hindi na rin uncommon yung pinagbabawal magkaroon ng relasyon ang magkaka-opisina. Who knows what could happen if they found out she’s pregnant, Rovi is the father, and they’re not even dating yet? Pero inaantok talaga ako, my God, isip niya matapos humikab. Buti na lang, Friday na. Biglang nag-beep ang phone niyang nakapatong sa table niya. Agad niyang kinuha iyon. May text siyang nakuha mula kay Rovi. Okay ba iyong drink? I heard fruit juices are good substitute for coffee kung gusto mo ng pampagising. - His text Sumimsim siya muli bago nag-reply. It tastes good naman. I like cucumber din naman. Pero boy, hindi prutas ang cucumber, okay? Rovi: Wala naman akong sinabing prutas iyan. Hailey: But your text earlier highly implied it.  Rovi: Hindi kaya. Hailey: Hindi raw? Sakalin kaya kita dyan John Roosevelt. Rovi: Hindi naman talaga. Sabi ko lang fruit juices are good sub for coffee pero di ko sinabing fruit juice ang cucumber. “Ewan ko sayo, Rovi,” napapangiti na lang niyang bulong saka nagtaas ng tingin. Saktong nasa tapat niya ang table ni Rovi at magkaharap sila. Rovi smiled when he caught her staring. Tapos, muli itong yumukod sa phone para mag-text. Ilang sandali pa, lumabas na ang new message nito. “It’s Friday. Wanna go for a movie date?” malakas na pagbigkas ng katabi ni Hailey sa text ni Rovi sa kanya. Halos mapatalon sa gulat si Hailey dahil doon. But before she could do anything, biglang tumayo ang babae. “Hoy, may movie date mamaya sina Hailey at Rovi!” bulalas nito. Sabay-sabay na napatingin mga ka-opisina nila. May ilang tumayo at lumapit sa kanya o kay Rovi para makiusyuso. “Ay, anong chismis?” “Nagde-date kayo ni Miss Hailey, Sir Rovi?” “Kaya pala ang sweet ni Sir Rovi sayo, girl! May something pala ha?” Si Hailey naman ay napalo ang noo niya. Great! Hindi lang nito binasa ang text nang walang pahintulot. Pinagsigawan pa talaga sa buong opisina nila! In the middle of the commotion, Rovi stood up and called the attention of everyone. “First of all, I don’t appreciate what you did, Miss Layla,” sambit nito sa seryosong tono. Nakakunot pa nga ang noo. Natahimik tuloy ang usyosera saka napaiwas ng tingin. Napahiya yata. Then, Rovi sighed before he spoke again. “But yeah, we’re going on a date later. Is that a problem?” Tapos tumayo ito saka naglakad palapit kay Hailey at umakbay. “I like Hailey. If that’s what you want to know, then yes, I like her. Kaya ko siya niyayaya sa date. But honestly, I appreciate it if we stop talking about it. Let’s set aside our personal life with work, shall we?” Agad namang nagsitahimik ang mga tao bago nagsibalik sa kanya-kanyang mga upuan.  Rovi sighed before he looked at Hailey. “Sorry. Di ko dapat sinabi iyon sayo through text.” “Nah, it’s fine. Di mo naman kasalanan,” labas sa ilong na aniya habang pasimpleng tinitingnan ang katabi. The woman stiffened. “May chismosa lang kasing nakikibasa sa text nang may text.” Napakamot ng ulo si Rovi. “I guess, you’re right. But anyway, wanna come with me later?” tanong nito muli. Suddenly, there’s a change of air na naman sa environment ng ospisina. Halatang lahat ay nakikinig sa pinag-uusapan nila.  Hailey just rolled her eyes. “Ano pa nga ba? E di syempre, go tayo.” At biglang naghiyawan ang lahat. But unlike earlier, Rovi just laughed with them. Tapos, nakisakay na rin ito. “She said yes!” anunsyo pa nga nito na lalong nagpadagdag ng tuwa ng mga kasamahan nila. Muling napalo ni Hailey ang noo. But it was just an act. Hindi siya naiinis sa nangyayari. She’s enjoying it pa nga. Pakiramdam nga niya’y may nag-confess sa kanya in public.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD