6

1832 Words
Matinding sakit ng ulo ang unang naramdaman ni Hailey nang magising at bumungon siya nang umagang iyon. Hindi rin niya maidilat nang ayos ang mata dahil pinapalala ng liwanag na nagmumula sa labas ang kirot sa tuktok niya. Kaya naman muli na lamang siyang humiga at nagtalukbong ng kumot. Matapos ang ilang sandali, bigla niyang naalalang nag-inuman nga pala sila ni Rovi kagabi! Taranta siyang bumangon, dahilan para biglang pumalo ang matinding kirot sa ulo niya. "A-Aray..." usal niya habang minamasahe ang sentido. Hindi niya alam kung anong kagagahan ang pumasok sa isip niya at niyaya niya ang officemate sa unit niya. At tinamaan ng magaling, nag-inuman pa sila! Sus, kunwari ka pa. May balak ka kasi! Sundot ng kunsensya niya. Gusto mo kasi siyang matikman. Ilang araw bang nasa isip mo yung anes niya? That thought made her blush. Okay, fine. Iyon nga talaga ang intensyon niya. Tigang na nga siguro siya kaya niya iyon nagawa. Pero nasaan nga ba si Rovi? Noon lamang napagtanto ni Hailey na nasa loob na pala siya ng kwarto niya. Ah, hindi lang iyon. May suot din siyang oversized shirt at pajama. Mukhang inasikaso siya ni Rovi, ha? Nang bahagyang mapawi ang sakit ng ulo niya, tumayo na siya at lumabas ng kwarto. "Rovi?" pagtawag niya sa binata. Nilibot niya ang paningin sa sala at kitchen pero wala talaga ang binata. Umalis na nga siguro talaga ito. Lumapit siya sa sofa at umupo roon. Wow, in fairness, nilinis din ni Rovi ang kalat. Mukhang nag-mop din ito dahil hindi malagkit ang sahig. Walang bakas na may nangyaring kababalaghan doon. Muli siyang namula kasabay ng pag-alala niya sa nangyari noong nakaraang gabi. It was hazy but she remembered the sensation pretty well. That torrid kiss... that hot breath on her skin... that naughty tongue tracing her thigh... that manmeat ravaging her core. Napangiti siya saka napailing-iling. Nakakatawang-isipin na ang lalaking dating kinamumuhian niya ay pinagpapantasyahan na niya? Ang bilis umikot ng mundo, ha? "Makapagkape na nga lang." Tumayo siya at dumiretso sa kusina. Noon lang niya napansin ang mangkok na may tatlong pirasong saging na nakapatong sa mesa. May nakadikit pang sticky note sa tabi niyon. Kinuha niya ang note at binasa. Banana for hangover. May Gatorade din sa ref. Drink it, okay? This is the most that I can do kasi wala akong nabiling painkiller. Take care. :) - Rovi "Wow, Rovi, ang lambing mo naman," wala sa loob na kumento niya. Pero tama naman siya. And these simple gestures made her happy. - SOMETHING seemed odd. That Monday when she woke up, sobrang excited si Hailey na bumangon. Actually, last night pa niya gustong pumasok. Gusto niyang makita si Rovi. Makakwentuhan. Saka syempre, magpasalamat na rin sa pag-asikaso nito sa kanya. Kaya laking dismaya niya nang hindi niya ito madatnan. Maaga laging pumasok ang binata kaya nakapagtatakang wala pa ito.  Ah, baka na-traffic lang iyon, isip na lang niya saka nagtungo sa table niya. Inabala muna niya ang sarili sa pag-aayos ng sarili. She thought since kakausapin din naman niya si Rovi, bakit ba hindi siya magpaganda muna? Saktong kakatapos lang niya mag-ayos nang lumapit sa kanya ang kanyang co-worker bitbit ang patong-patong na mga folders.  “Miss Hailey, can you sort this out for me? Alisin mo lang yung mga date e three years ago pa,” utos nito. Kulang na lang ay mapangiwi siya. Umagang-umaga pa lang, tambak na siya ng gawain! Pero gaya ng dati, ngumiti na lang siya saka sumunod. Wala naman kasi siyang naiwang task last week so far. She was so preoccupied na ni hindi man lang niya napansing lunch break na pala. Oo nga pala, si Rovi! Una niyang naisip matapos siyang yayain ng officemate niya para kumain na. Hinarap niya ang table nito pero hindi niya ito nadatnan. Tumingin-tingin siya sa paligid. Wala talaga ito. She decided to join her co-workers. "Si Rovi nga pala, Kuya Johann?" tanong niya sa ka-opisina. Nagkibit-balikat ito at sinabing hindi rin ito sigurado dahil hindi nila napansin kanina. Napanguso na lang siya sa lungkot. Sayang! Ililibre ko pa naman siya. - NAGLALAKAD siya noon sa hallway nang una niyang makita ang binata. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Mukha nga lang hindi siya napansin nito dahil nakatingin sa phone. "Hi Rovi!" bati niya rito saka binilisan ang lakad para salubungin ito. Natigilan ang binata at napatingin sa kanya. Pagtapos, ngumiti ito. "Hi," matipid nitong tugon saka binuklat ang hawak na folder at binasa ang laman niyon. Napatigil tuloy siya sa paglapit. Hey, so what's with the reaction? Iniiwasan ba siya nito? Even when he passed by, hindi na ito tumingin sa kanya. And with that, she felt hurt. Habang sinusundan niya ito ng tingin, an empty void was forming inside her tummy. She felt how her muscles quavered, as if her strength was slowly being sapped by that hollow space. Tinalikuran niya ito, still feeling the emptiness. So ano iyon? After siya nitong angkinin, bale wala na agad? Ito ba yung tinatawag na kantot-kalimot? Then, bigla siyang napatigil. Well, ano naman? It's just a one night stand. And it's not like close friend talaga sila ni Rovi, hindi ba? Nagkataon lang talagang na-horny siya dahil sa malaki nitong kargada down there. She walked away para magpunta sa destinasyon niya. But while walking, the feeling she had earlier was still bothering her... - HAILEY wasn't feeling well that day. Nang magising siya, ramdam niya ang panlalata. "Hay, tratrangkasuhin yata ako," kumento niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ang haggard niya tingnan. Not to mention, her joints were tired and her breast felt heavy. Sa kabila niyon, naghanda pa rin siya para pumasok sa trabaho. Then, lunch break. Mukhang lumala pa yata ang sakit niya. Wala siyang ganang kumain. Kahit ba cordon bleu with sour cream pa ang binili niya, wala pa rin siyang gana. "Girl, okay ka lang?" tanong sa kanya ng officemate niyang si Micah. Bago lang ito. Hired two weeks ago bilang kapalit ng kasamahan niyang na-promote at nalipat sa ibang department. Tumango siya. "Medyo masama lang pakiramdam." Bumuntong hininga siya saka hinalo-halo ang kanin. "Nako, girl. Pahinga ka kaya muna," muling saad ng babaeng may matambok na pisngi at petite na katawan. "Wala ka naman yata masyadong work, oh?" Umiling siya. "I think magkakaroon yata ako." Now, that reminded her, kailan nga ba siya ulit nagkaroon? Tumango si Micah. "Sige. Ikaw bahala." Then, she added, "Nga pala, may tanong ako, kung okay lang." "Go ahead." "Magkagalit ba kayo ni Rovi? Pansin ko kasi parang ang cold nyo sa isa't-isa." Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa hindi mabuting pakiramdam o ano pero nanlisik ang mga mata niya sa sinabi nito. "Oops!" Napaatras si Micah. "Okay, gets ko na. Di mo na kailangang ikwento sa akin." Noon din ay pinakalma niya ang sarili. She ceased whatever emotion she felt earlier and talked again. "Sorry, I didn't mean na panlisikan ka ng mga mata—" "Okay lang, girl. I don't mind. Naiintindihan ko namang may hindi kayo napagkasunduan." "Err... that's not really the case pero— ah!" Napakamot siya ng ulo. Syempre, hindi niya pwedeng sabihin ang nangyari dahil awkward. "Basta, it's not what you think. Hindi kami magkagalit. It's just... uh, I don't know how to explain it." "Uh?" Medyo tumaas ang kilay nito. "What?" "Hindi mo ba siya naging ex or what?" Naningkit ang mga mata niya. "Alam mo, girl, ang chismosa mo." Inirapan niya ito. Tapos nangalumbaba siya. "No. Basta iyon." "Sabihin na lang nating iba ang vibes niya?" Tumango siya. "Yeah. Let's settle with that." "Okay!" sabi na lang nito saka nagpatuloy sa pagkain. "Girl, ayaw mo bang kumain talaga?" tanong nito ulit habang puno ang bibig. "Bakit? Gusto mo ba? Sa 'yo na lang." Ilalapit sana niya ito pero may pumigil sa kamay niya. "Dapat kumain ka. Kaya ka latang-lata, oh?" Napatigil siya saka nagtaas ng tingin. She saw Rovi, giving her a concerned look. "Can I join you?" tanong nito sa kanila ni Micah. When Micah allowed him, he occupied the empty chair besides Hailey. "Hi?" bati nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Sungit mo, ah?" kumento ni Rovi. Tapos, walang sabi-sabing kinapa ang noo niya. "Wala ka namang sinat pero medyo malamig ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" "Anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya. "Para mag-lunch? Wala akong kasama, e." He motioned them to look around. "Puno lahat ng table." Inirapan niya ito. "Hey, what's that for? Wala naman akong ginagawang mali, ah?" Kapal din pala talaga ng mukha nito, ano? Matapos akong iwas-iwasan? Halos isang buwan din yun, ah? It has been five weeks since they did the act. Ganoon na siya katagal na hindi pinapansin nito. Sa halip na sagutin ito, sumandal na lamang siya at humalukipkip. Siniko siya ni Rovi. "Kumain ka kaya? Ano bang nararamdaman mo?" Ewan ba niya kung dahil lang sa presensya iyon ng binata pero parang lalong sumama ng pakiramdam niya. She closed her eyes and heaved a deep sigh. Ilang ulit din niyang ginawa iyon, hoping to ease the discomfort. Naramdaman niya muli ang kamay ni Rovi sa noo niya. Tapos, lumipat iyon sa leeg niya. "Gusto mo bang samahan kita sa clinic?" tanong nito. Dumilat siya saka ito hinarap. "Wag mo nang abalahin ang sarili ko. I can manage." Tapos, hinarap niya si Micah, na ngayon ay ngingisi-ngisi at tila nagpipigil ng kilig. Tinaasan niya ito ng kilay. "I'll go na, ha? Sayo na lang itong pagkain ko kung gusto mo." Nginusuan niya ang plato. Tumango ito. "Pagaling ka, girl, ha?" Tumayo siya at bigla siyang nakaramdam ng hilo. "Oh!" bulalas ni Rovi. Naging maagap ito sa pagtayo at pag-alalay sa kanya. "Sure ka bang kaya mo?" She closed her eyes and tried to regain her composure. "Y-Yes." "Sasamahan na kita. Wag na makulit." Tatanggi sana siya. But her consciousness swiftly drifted. Natumba siya at bumagsak sa mga bisig ni Rovi. The last thing she remembered was Micah calling her name. - IPAPASA ni Rovi ang lie detector test kapag sinabi niyang hindi niya iniiwasan si Hailey. He did. Ilang linggo rin. Kaya laking pasasalamat din niya na mukhang wala namang pakialam si Hailey. Well, hindi naman sila talaga close, so of course, wala lang para dito kung iwasan niya ito. But that day was different. Umaga pa lang, pansin niyang matamlay si Hailey. She was normally energetic and very motivated. Parang parati pa nga itong nakangiti. But not that morning. And it bothered Rovi. Hindi ba, iyon ang dahilan kung bakit niya ito nilapitan? No, it wasn't because he is concerned about her well-being. It was because of his fear. At mukhang gago talaga ang tadhana. Kinagabihan, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Hailey. Gusto siya nitong kausapin. They met at a cafe. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga. Pinakita nito ang isang pregnancy kit test. "Rovi, buntis ako," sabi nito na bagaman kalmado, bakas ang galit sa mukha. "Explain this to me." Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD