NAGISING akong masama ang pakiramdam ko. Naalala ko nga palang parating na ang dalaw ko. Ganito talaga ako madalas. Mula yata n'ong nag-umpisa akong magkaroon sumasama talaga ang pakiramdam ko. Dahil na rin siguro sa sakit kong Pcos ito. Hindi na rin kasi ako nakakapagpa-check-up mula nang mawala sa akin si Eloy mas lalong lumala pa 'tong nararamdaman ko. Mabuti kasi dati na kasama ko siya, nagagawa niya akong alagaan at hindi niya ako pinababayaan. Kung bakit ba naman nangyari sa amin 'to.
Bigla na lang siya lumayo na hindi ko alam kung babalik pa o 'di kaya kung nasan ba talaga siya. Gusto ko na nga alamin sa albularyo e. May kung ano'ng pwersa lang ang pumipigil sa akin.
Is it worth it? Worth it pa rin ba hintayin yong lalaking hindi ko alam kung sinadya niya bang mawala sa buhay ko o may nangyari lang talaga.
Napasinghap ako sa hangin. Hiniga ko ang likod ko at hindi nagawang pigilan ang lungkot na nararamdaman.
Hindi ko pa rin basta-basta nakakalimutan ang lahat. Akala ko makakatulong sa akin ang magbakasyon hindi rin pala. Mas nagkaroon pa nga ng panahon na maisip ko si Eloy at ang hirap lang iwasan ang bagay na 'yon.
Mahal na mahal ko si Eloy at hindi ko kayang tuluyan na mawala siya sa buhay ko. Kung pwedi lang sana ibalik ang lahat ng sandaling magkasama kami n'on ginawa ko na. Dahil kapag nangyari 'yon hindi ko kailanman hahayaang mawala sa akin ang lalaking mahal naa mahal ko.
"Eloy.. Bumalik ka na," sabi ko sa sarili ko. Habang yakap-yakap ang katawan ko.
Pinigilan ko ang luhang gustong kumuwala mula sa mga mata ko. Nangako kasi ako sa sarili kong hindi na ako iiyak pa at ayaw din ng boyfriend ko ng ganoon. Bilin niya sa akin n'on na huwag malungkot kahit na anong mangyari at gusto kong ibigay sa kaniya ang bagay na iyon kahit wala siya ngayon sa tabi ko. Tutuparin ko pa rin naman lahat ng pangako ko kay Eloy. At least kahit na hindi kami magkasamang dalawa sa t'wina masasabi kong naging masunurin pa rin ako para sa kaniya.
Ayaw n'on ang maging matigas ang ulo ko at pareho lang kaming mahihirapan kapag gan'on. Nag-aaway lang kasi kami, bagay na ayaw kong mangyari gusto kong maayos ang relasyon namin ni Eloy kahit sabihing tatlong buwan na itong nawawala mula sa akin. Iba pa rin ang pakiramdam na sinusunod ko siya at 'yon ang mahalaga.
Bigla na lamang napataas ang kilay ko ng maalala ang ulupong na nangugulo sa akin.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ko na lamang sya maalala. Ano bang mayroon sa lalaking 'yon at sumagi sa isip ko.
Napailing-iling ako. Pilit ko ng kinakalimutan ang damuhong iyon at ayaw ko na sana makita pa. Nagpupumilit lang talaga ito sa isip kong hindi ko magustuhan. Nakakainis naman! Kung saan gusto ko ng makalimot d'on naman ito nagsusumiksik.
Isa siyang malaking asungot sa buhay ko, aniya sa isip ko.
Badtrip!
ANTON
HINDI ako mapakali kanina pa ako nandito sa veranda ng hotel kung saan ako nakatira pansamantala ngayon. Hindi pa rin halos mawala sa isip ko ang babaeng nakita ko kanina na nakilala kong si Mariz.
Ito pa talaga ang may karapatan magalit e nagmagandang loob lang naman ako sa kaniya. Sa tingin niya ba kung hindi ko ginawa yon hindi siya pagpyepyestahan ng mga tao sa paligid niya.
Ang labo niya. Ako na nga tong concern.. ako pa ang bastos! Walang modo at manyak! Kakaiba din naman ang babaeng iyon. Wala sigurong magawa yon sa buhay nya kaya kung ano ano na lang ang sinasabi.
Tingin ko loveless yon! Iba ang topak e.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil wala man lang akong natanggap na tawag mula sa opisina ko sa Manila. Walang kahit na sino ang nagbibigay ng update para sa naiwan kong trabaho. Hiling ko na lang ngayon na sana nasa maayos ang lahat at ayaw kong mag-isip gaano habang nandito ako sa Isla.
Nagpasya nga akong magbakasyon para sa malaya kong pag-iisip ng mga bagay-bagay. Wala naman akong problema sa buhay. Ang gusto ko lang talaga ay magpahinga sa islang to.
Bonus na lang at nagbukas na ang hotel na kung saan may malaki akong share kasama ang mga matatali kong kaibigan.
Mukhang Matatagalan yata ako rito. Iyon ang pumasok sa isip ko. Bukod kasi na gusto ko ang atmospera ng paligid hindi rin nakaligtas kung paano ko isipin ang nakilala kong si Mariz.
Isa siya sa nagbigay ng interes sa akin kung bakit ko piniling manatili rito. May kung ano'ng pwersa ang nagtutulak sa akin na makilala siya.
Parang may espesyal sa kaniyang hindi ko maintindihan kung ano at kung tungkol saan.
Kakaiba ang babaeng 'yon. Masyado siyang matapang.
"Sir, nandito na po ang order nyo." Napatayo agad ako nang may narinig na akong katok mula sa labas ng hotel room ko. Nandoon na nga ang pagkain na in-order ko kanina.
Baked macaroni at isang malaking iced tea ang napusuan ko kanina. Ilang araw na rin akong nag-crave sa pagkain na dala-dala nito.
"Thankyou. Akala ko matatagalan pa," sabi ko rito.
"Naku, Sir. Hindi naman po, medyo late na nga ang dating nito," tugon naman nito sa akin.
Para sa akin tamang-tama lang naman at alas dos pa lang naman ng hapon. Hindi naman ako kakain agad. Gusto ko pa nga sanang mamasyal sa tabing dagat pag takim silim kaya kung wala pa ipagpapaliban ko rin, pero mabuti na lang at nandito na ito. Okay na rin ito, aniya. Kung hindi man ako kakain ngayon siguro mamaya na lang pag-uwi ko o pag-gising ko.
Matapos kong kunin ang pagkain na dala nito, tumalima naman agad ito nang magpaalam na sa akin. Mainit-init pa, iyon nga lang wala lang talaga akong gana. Itatabi ko na lang muna ito at gusto ko muna umidlip kahit sandali lang.
Wala sa sariling naalala ko na naman si Mariz. Ang magandang mukha nito ay hindi na mawala sa isip ko.
MARIZ
ILANG minuto na rin pala akong nandito sa rooftop ng hotel. Hindi ko alam kung bakit napatambay din ako rito. Nakaramdam na naman ako ng kahungkagan sa puso ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nagpasyang tawagan ang isa sa kaibigan kong malapit sa akin si Danna--- ka-trabaho ko ito sa isang day care center kung saan kami nagtuturong dalawa.
"Hi, Mariz. Napatawag ka? Kamusta ang Bora? Kamusta ka?" agad nitong tanong sa akin nang sagutin nito ang tawag ko.
Ngumiti ako ng pilit sa sarili ko gusto kong isagot sa kaniyang okay lang ako. Pero sa sarili ko alam kung nagsisinungaling ako.
"Ito. Hindi pa rin okay, madalas ko pa ring naiisip si Eloy, Danna. Hindi ko nga alam kung paano ko magagawang mag-enjoy dito kung ganito na lamang palagi."
"Okay lang 'yan, Marz. Isang araw matatagpuan mo rin sa pag gising mo na okay ka na. Don't push yourself kung hindi mo pa kaya. Baka ikaw rin ang mahirapan kung magkaganoon. Ang mabuti pa sanayin mo na lamang ang sarili mong wala na talaga siya. Dahil kung babalik siya, sis. Siguro nandito na siya ngayon, pero hindi e, at iyon ang mahirap dahil ikaw ang naghihirap, Mariz."
"Salamat, Danna. Hayaan mo pipilitin ko ang sarili kong makalimutan siya. Pangako ko sa'yo yan."
"You don't have to promise me, Mariz. Gawin mo ang alam mong nararapat para sa'yo. I trust you so much. Alam ko naman na kaya mo."
Napasinghap ako. Mabuti pa ito buo ang tiwala sa akin, pero ako mismo nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko e. Iniwan ako ni Eloy kung saang kailangan na kailangan ko siya. Nawala siya na parang bula na wala man lang kahit na anong pasabi sa akin at parang punyal pa rin 'yon na tumutusok sa puso ko.
Mahal na mahal ko si Eloy at sa kaniya lang umikot ang buong buhay ko.
"O sigi na. Baka umiyak ka pa d'yan. Magpahinga ka na, Mariz. Ipahinga mo ang puso mo. Deserve mo 'yan. Huwag mo na isipin si Eloy kung mahal ka niya babalik 'yon at kung hindi kailangan mong tanggapin 'yon. I trust you so much, Mariz, nandito ako at ang pamilya mo 'pag nahanap mo na ang sarili mo balikan mo kami, tatanggapin ka namin ng buong puso. Dahil mahal na mahal ka namin."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Danna. Bigla kong na-miss ang pamilya ko. Matagal ko rin pala silang tiniis dahil lang kay Eloy. Iniwan ko sila para hanapin ang sarili ko sa islang 'to. Ang isla na pinangarap namin ni Eloy noon na dito kami magpapakasal na dalawa, pero nawala lahat 'yon noong pinili niyang umalis at iwan ako.
"Thankyou, Danna. Tama ka, ipahihinga ko lang muna 'to. Babalik din ako, sis. Sa pagbabalik ko. I just want to be better. Makakalimutan ko rin si Eloy dahil alam kong 'yon ang dapat. Salamat sa lahat, Danna."
"Ipagdadasal kita, Marz. Ipagdadasal ko 'yan."
Pinindot ko na ang end-button ng cellphone ko. Napasinghap ako kasabay ang pagtingin ko sa taas sa malawak na kalangitan, hiling ko na sana matagpuan ko na rin ang payapang pakiramdam. Pagod na akong masaktan, pagod na pagod na akong matapang. Gusto ko na balikan ang buhay na mayroon ako n'on--- iyong masaya, iyong kuntento ako at punong-puno ng pagmamahal ang puso ko.
Pinili kong pumikit habang ang mga tingin ay nanatili sa kalawakan 'yon na lamang ang pagtataka ko kung bakit ang mukha ng lalaking makulit ang unang sumagi sa isip ko.
Agad akong napadilat.
"Delete! Delete! Delete!" gigil kong bulong sa aking sarili para sa lalaking sumira ng araw ko.