SYNOPSIS
PITONG taon ng magkasintahan si Mariz at Eloy. Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ilang buwan bago ang kasal nilang dalawa, biglang nawala na parang bula ang binata. Labis na pagtataka, sakit at hirap ang naramdaman ni Mariz sa biglaang nangyari paglayo ni Eloy sa kaniya. Ginawa niya ang lahat para hanapin ang binata, ngunit tuluyan na itong hindi pa nagpakita. Ilang buwan ang lumipas bago niya natanggap sa sariling hindi na ito magpapakita pa at tuluyan ng tinalikuran ang plano at pangarap nilang pagpapakasal para sa isang buong pamilya na tatahakin sana nila.
Nagpasya si Mariz magbakasyon sa tulong ng mga kaibigan at Isla sa Boracay siya ay napadpad. Kong saan sa hindi inaasahang pagkakataon nag krus ang landas nila ni Marcuz ang binatang sa unang pagtatama pa lamang ng mga mata nila'y may giyera nang umusbong. At maging sa araw-araw na pagkikita nila sa maliit na Isla ng Boracay walang ibang ginawa ang dala kundi mag-away na parang mga aso't pusa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may lihim na mabubunyag at si Marcuz ang siyang naging daan para makita niyang muli si Eloy.
Paano matatanggap ni Mariz kung si Eloy at Marcuz ay may malaking ugnayan sa isa't isa?
Matatanggap ba ni Mariz ang naging kapalaran ni Eloy? At si Marcuz ba talaga ang siyang nakatadhana sa kaniya kahit pa hindi galing kay Eloy ang nagdugtong sa buhay nito?
CHAPTER ONE : The encounter
MARIZ POV
Napasinghap ako ng sariwang hangin pag labas ko ng magarang hotel kong saan ako tumutuloy. Napakabago sa akin ng paligid. Ilang taon na rin kasi ako halos nakalabas ng siyudad, simula ng magtrabaho ako sa isang day care center. Kong saan ko nakilala si Eloy noon. Nakaramdam ako ng lungkot nang muli na naman itong maalala. Pumikit ako sinariwa ang malamig na dapyos ng hangin sa balat kon
"Welcome to my brand new day," may kalakasang bulong ko sa sarili ko kasabay ang isang mahabang buntong-hininga. Napadilat ako nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon ang isang binata sa isang sulok pinasadahan niya ako ng tingin. Napansin ko ang tingin nito sa blonde na makapal kong buhok, sa balingkinitan kong katawan, natigil ang tingin nito sa likuran ko. Bumaba at pababa pa sa hita at binti ko at muling ibinalik ang tingin sa ibabang likod ko.
Napataas kilay ako. "Why are you starring me like that?" mataray kong tanong dito.
Binaba nito ang salamin nakangiting tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Why? Do you think you are beautiful dahil nahuli mo akong nakatingin sa'yo?"
With his sarcastic voice. Lumapit ako rito nakapameywang na hinarap ang binatang hindi ko man aminin sobrang ganda ng mata nito tipong pag magkaanak kami pwedi na maging "Matinee idol or next superstar"
Erase,erase,erase! Sigaw ng isipan ko. Kailangan ko nga pala itanim sa isip ko ang ilang bagay kong bakit ako nasa isang islang 'yon. Tungkol sa isang bagay na tinakbuhan ko kaya ako nand'on.
"Excuse me! Kong ang tipo mo lang naman ang titingin sa akin mas mainam pang tumambay nalang ako sa zoo at pakipagtitigan sa ahas o sa unggoy na katulad mo!" mataray kong singhal dito.
"Sa gwapo kong 'to? Sa unggoy mo lang ihahalintulad? Oh, cmon! As if namang di kita nahuling nakatingin sa akin at muntik pang tumulo ang laway mo."
Tumawa ito ng mapakla at mas along nanliit ang tingin ko sa kaharap ko. Ganoon ba ako ka-obvious? Sumingkit ang tingin ko rito.
"Ang laki naman ng bilib mo sa sarili mo!" aniya ko.
"Dahil 'yon ang nakita ko sa mga mata mo," anito
Bigla akong napaatras ng tumayo ito. Muling nilagay ang salamin sa mga mata nito. Umiwas ako sa bigla nitong pagharap sa akin. Hanggang balikat lang ako nito.
Napalunok ako sa mabangong pabango ng binata na nasasamyo ko sa gahiblang pagitan naming dalawa.
"I like your back."
Bulong nito sa punong-teynga ko. Pakiramdam ko may ilang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa hindi maipaliwanag na naramdaman ko sa biglaang paglapit nito sa akin
"And, I like your butt young lady."
Tumaas ang kamay ko para dumapo sa pisngi nito pero agad itong nakailag. Walang paalam na pinagdaup ang palad naming dalawa na hindi ako nakaalma sa pagkabigla sa ginawa nito. Ang kapal ng mukha nitong bastusin ako, kahit sino wala pang nakakapagsabi sa akin nito kahit pa si Eloy na naging kasintahan ko sa mahabang panahon. Nakakagigil!
"Dont be rude, Lady. Malay mo one day, ikaw na pala at ako ang magkasamang naglalakad sa buhangin at magkahawak kamay tulad nito."
Tinaas nito ang kamay namin. Mabilis ko itong hinila walang paalam na tumalikod na may hindi naiintindihang nararamdaman sa isang estranghero.
MARCUS POV
NATATAWA kong pinagmasdan ang tumalikod na nagmadaling dalaga. Napailing ako sa sarili ko kung bakit ba naman kasi muli na naman umiral ang pagiging pilyo ko. But seriously hindi ko sinasadyang matingnan siya maging ang pang ibabang parte ng katawan niya. I don't want to deny na maganda naman talaga ang hubog ng katawan niya maging ang umbok ng pwet niya perfect shape wika nga. Walang binatbat si Ashley or Vina maging ang ilang babaeng dumaan sa buhay ko sa estrangherang lumabas sa unit ng hotel na pagmamay-ari ko. I was in my visiting time sa units nang biglang bumukas ang pinto ng unit nito at tsambang nagpapahinga ako paharap sa malawak na karagatan. Napangiti ako sa naisip first encounter pero mukhang pumalpak pa yata.
“I can get your name lady. For now hahayaan muna kitang mag-enjoy sa isla,”nakangiti kong bulong sa sarili ko. Para sa bagong estranghera na alam kong makukuha ko rin ang pangalan nito at hindi lang pangalan pati ang iba pang detalye sa buhay nito. I'm the owner of this Marcusians hotel at walang lumalagpas sa akin kahit isa sa visitors ko. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko.
“I will get you,” tiwalang sabi ko sa sarili ko para sa dalagang umagaw ng atensyon ko noong araw na iyon.