Ley's
(/Lee's/)
03:00
"si Ellise Vasquez ay nasa Notre Hospital at kasalukuyang nasa OR"
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam kong bibigay ang mga tuhod ko.
Windang ang utang na kinuha ko ang susi ng unit, wallet at cp ko. Hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayare. D'yos ko po, wag niyo pa pong kukuhanin ang girlfriend ko.
Nakarating na kami ng Notre Hospital, hindi naman ito kalayuan sa unit ko. Kausap ng mga pulis ang mga magulang ni Ellise sa telepono. Maya maya pa't lumabas na ang doctor sa OR lumingon lingon ito at namataan na nakatingin ako sakanya habang unti-unting tumatayo.
"Kayo po ba ang immediate relative?" tanong nito sakin.
"Girlfriend doc.. I'm her girlfriend" tumango naman ito.
"Okay, so first hindi naman sobrang napuruhan yung mga vital parts niya like her head dahil full geared naman siya. Ang napuruhan are her arms and hips. She had dislocated left arm so inoperahan po yun kanina and now we are hoping for her best recovery. She'll be fine kasi sa tingin ko hindi naman ganoon kalakas ang pagkakasapok niya sa mga bato na cause ng landslide. Don't worry she'll be awake siguro later she's resting now."
I sighed with a relief that she's safe, buti nalang okay na siya. Ang tigas talaga ng ulo niya, I was really never a fan of her motorcycling hobby. It's dangerous. She likes speed and I don't.
Pagkaraan ng tatlong put limang minuto inilabas na siya sa OR at dadalhin na dapat sa public ward kaso ipinalipat ko sa private dahil alam kong hindi nya magugustuhan kung maraming tao sa paligid.
May mga bruises pa din siya sa mukha kahit naka helmet. Mukha talagang masama ang pagkaka-aksidente nito.
Pinaliwanag sakin ng nurse ang mga kailangang gawin tungkol sa pagpapainom ng gamot, to press the button when she's awake, and more stuff.
"Sige po ma'am. Kayo na po muna bahala."
"Thank you nurse."
I settled the other things needed lalo na doon sa mga pulis na naka-kita sakanya, I already called her parents as well and ayun nga they told me to not blame me about anything dahil wala naman daw nga may gusto ng mga pangyayare.
Pagkabalik ko ng room, she's already awake but can't say anything at all.
"Hi" dali-dali akong nagtungo sa tabi nito
Tumulo ang luha nito sa pisngi niya. Yung sakit na dinaranas niya ngayon ay parang gusto ko nalang kunin.
"Shh. Ellise hindi mo kailangan mag sorry. Wag ka muna magagalaw, magpahinga ka"
Iiiling na sana niya sana ang kanyang ulo pero hindi na nya nagawa kasi may braces din yung leeg niya.
"No babe wag mo ng igalaw okay?" hindi ko maiwasan na manermon ng konti.
"Hindi na natin gagamitin si dimps okay?" dimps yung pangalan ng motor niya "Tignan mo yung nangyare sayo. What were you even thinking... Sana hinayaan mo nalang muna hindi yung pabigla-bigla ka. Hindi ka kasi nag-iingat"
"Are you worried?"
"Ofco~"
While on that situation, someone knocked on the door.
"Pasok"
"Mare! Ano na nangyare!?"
Si Raze ang unang pumasok kasama si Tom.
"Brad kamusta si Elle?" tanong naman ng huli.
"Okay naman na siya, operada, madaming bali sa left arm, naka brace ang leeg... as you can see napuruhan" I stated the fact.
"Ikaw, kamusta ka naman?"
"Brad pakiramdam ko kanina namatayan ako."
"Ulol brad! masamang damo yang jowa mo"
"Gago"
Lumapit na kami sa bed side niya.
"So Ellise Vasquez, ano ba ang gustong mong mangyare? Mamamatay na itong kaibigan namin sa nerbyos ng dahil sa iyo" sabay tawa ni Tom. Abnormal talaga itong mga kaibigan ko.
Napangiti lang si Elle kaso mas nagmukhang ngiwi. Kung alam ko lang kung gaano kasakit ang sitwasyon niya ngayon.
"By the way, your parents are coming tomorrow morning" pag-iinform ko kay Elle.
Mga ilang oras din kaming nag-uusap while monitoring Ellise. Umalis na din sila dahil sa visiting hours. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Nabigla ako ng makita kung sino ang taong nakatayo sa harap ng pinto ng mabuksan ito.
"Hi Ashley. Caryn Leandro" habang naka-extend ang kamay nito ng inaabot ang kamay ko for a shake hand.
Parang nakita ko na siya noon when I visited Ellise hometown.
Sino na nga ulit to? Bestfriend? Side chick? Ah yung malandi.
"Hi" bati ko dito. "Pasok ka"
I mean why not? Sino ba naman ako para i-ban ang bestfriend nya dito sa loob ng room.
She's Caryn Leandro. Ang babaeng mas matimbang sa oras ni Ellise. Kahit anong oras, pag nangailangan ang babaeng ito nandoon kaagad si Elle.
Habang iniisip ko mas lalo akong naiinis.
"Bud! What have you done to yourself?! You are a basic idiot. Dapat sa iyo tinatanggalan ng drivers license" worried habang napapatawa nitong sabi. Seriously?
"She's been here since this afternoon. Do you mind if you can look after her for a moment? I'll just buy food, hindi pa ako nakakakain and I'm sure you still haven't, too."
"Hindi ba uso ang food delivery dito?" sarkasitong tanong nito sakin. Actually yun naman talaga ang gagawin ko kanina pa bago siya dumating. Kaso I found an excuse to leave them both because I don't want to see them together, not within my presence na she's showing concern to Elle.
I'm uncomfortable.
"Meron naman kaso wala sa delivery app yung gusto kong pag-kain. Do you want me to get you something?"
I got no response from her. Mas mukha pa nga talaga siya girlfriend kaysa sa akin eh. although I want to stay beside Elle. I think this is also the right time for me to check my feelings. Am I still going to be with her just for the fact that she planned to get to me and ask for 'forgiveness' maybe. I know I did something wrong but I think it was the best for me and for the both of us. Walang sisihan in the end because I believe setting each other free from all the couple responsibilities will make us better~ I guess.
Ah bahala na!
Magsama nalang kaya sila nung Caryn na yon!
Bobo! Hindi pa magaling yung tao pinapamigay mo na.
Am I?
Hell no.
It's not because of the chase right?
ofcourse not.
In the first place, she's mine.
We just need to figure things out after this s**t.
03:00