Chapter 6

1236 Words
Carmela's POV Lumabas na ako ng kubo matapos kong ligpitin 'yung mga dadalhin ko. Kailangan kong magmadali baka mapano na 'yung hinapuyak na 'yon, at isa pa gumagabi na din kaya mas maiging bilisan ko. Nang may nakita akong dumaan na taxi pinara ko kaagad ito, sinabi ko kung saan ako papunta. At halos malaglag 'yung panga ko dahil ang sisingilin niya ay 500 pesos. Jusko teh mas dukha pa ako sa daga. Pinagbigyan ko na lamang si kuya since kapos din sila. Ang hirap talaga humanap ng trabaho ngayon, pag wala kang diploma talagang saan saan lang 'yung bagsak mo. Kaya ako? Okay na sa'kin kung kina Dash ako nagtra-trabaho. Maayos naman kasi iyon pero may saltik lang minsan 'yung amo ko. Nakarating ako sa beach pasadong 7:12pm. Pagkatapos kong mag bayad kay manong, entrance na naman, bawal kasi pumasok pag 'di ka bumayad. Akala siguro ng mga taong 'to mayaman ako! Bwesit! Bayad dito bayad duon, kainis! Ay teka? Matawagan ko nga ulit si manang dahil hindi ko alam kung saang mundo ba 'yung si Dash, sobrang laki naman kasi ng resort, hanggang ngayon marami paring naliligo at marami ring mga hipon na kumakalat kung saan. Party duon party dito, mukhang may band pa yata eh kasi nag eenjoy talaga ang mga tao. Sinulyapan ko saglit 'yung dagat kung okay ba. Hmm malinis s'ya at sobrang ganda ng view patok na patok na ito sa'kin. Akmang i-dadayal ko na sana ang number ni manang nang may bigla na lamang may humablot sa kamay ko. "What the effin hell?!" nabulalas ko sa gulat. Hinila kasi ako ng lalaking ito, wala siyang pang itaas na damit kaya't tambad sa'kin 'yung abs niya, oh my god! Grasya na 'to. "Saan mo ko dadalhin?" tanong ko. Pero hindi niya ako pinansin bagkus nagpatuloy lang s'ya sa pag hila sa'kin, ang kapal naman ni kuya na hawakan ako. Hindi naman siguro s'ya naka drugs 'diba? Alam niya pa naman siguro ang ginagawa niya. Pero takte, harassment 'to! "Ano ba! Pwede namin natin 'tong pag usapan ng maayos! Saan mo ako dadalhin!" "Fvck it! Will you please shut the fvckin' up!" "SINISIGAWAN MO BA ANG BUNTIS HA?" "PAPATOL KA SA BUNTIS?!" Dahil sa sigaw kong 'yun? Lahat ng mga tao ay napatigil sa ginagawa nila. Pati rin itong asungot na 'to napabitiw sa kamay ko, opps hindi pa nga sigurado na buntis ako eh. Kabwesit kasi ang lalaking 'to, kung maka hila wagas na wagas. Paano kung makunan ako? Langya! Papatayin ko 'to pigilan niyo 'ko. "Kawawa naman 'yung babae, hinihila ng asawa niya," "Parang nakakita ako ng mag-asawang anghel na nag-aaway ngayon ah, ang gwapo kasi ni guy at maganda din si girl," "Anong nangyayari? Buntis si girl? Oh my!" Panay ang chismis nang iilan sa amin. Pansin ko rin na tumahimik bigla ang paligid, 'yung alon lang ng dagat 'yung umiingay, SERYOSO? Anong kaepalan 'to? Sinabi ko lang na buntis ako tumahimik bigla? May sinabi ba akong masama? "Are you really pregnant?" tuluyan nang humarap ang lalaki. And this time? 'Di lang panga ko ang nahulog pati na rin ang buong suot ko, Tangina. Oh my ulam! Oh my ulam! Oh my ulam! Si...Dash? Mapupungay ang mga mata nito na nakatitig sa'kin, ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko, nakakatakot ang mukha niya ngayon promise, parang papatay ng tao anytime eh. Hindi ko napansin na s'ya pala iyong humila sa'kin, bigla-biglaan kasi. Hindi ba pwedeng? "Hilahin muna kita ah." "Uy... hehe Sir Dash ikaw pala 'yan. Tara punta na tayo sa cottage niyo, nagugutom ako sakaka hanap sa'yo eh," awkward na ngiti ang pinakita ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Sana 'di niya malaman na kinuha ko 'yung sperm niya, isa pa 'di ko pa alam kung may nabuo na. "Answer my damn question, Carmela? Are you damn pregnant?!" galit na sigaw nito sanhi nang pag-pikit ko. Galit na galit na nga ito ngayon at ang mas nakakapiste pa! Kanina pa kami pinagmamasdan ng mga taong narito! Ano na ang gagawin ko? "Ah 'yun ba? 'Di haha joke ko lang 'yun, akala ko kung sino kasi ang humila kaya sinigawan ko na. Sorry talaga, Sir Dash 'di na talaga mauulit," "Sa susunod 'wag kang mag joke ng ganun! Hindi kasi nakakatawa." malamig na sabi niya tapos tinalikuran ako na tulala. Tila may sumaksak na punyal sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang papalayo nitong bulto. Bakit galit s'ya nong sinabi kong buntis ako? Ayaw niya bang ma buntis ako? Ayaw niya bang magkaroon ako ng anak? Anak namin? Wala ba siyang plano? Ano ba ang problema mo, Dash? Bago pa s'ya makalayo nang tuluyan, hinabol ko s'ya. Wala akong pera ngayon para mag rent ng room, at 'saka s'ya ang pinunta ko dito wala ng iba. "Sir Dash! Uy galit ka ba? Ahem! May pagkain ka ba riyan? Bigyan mo 'ko ah gutom na gutom na kasi ako eh," hindi niya parin ako pinapansin. Attitude si Kuya hihi. "Grabe talaga iyong taxi driver kanina ang laki ng siningil sa'kin, ayan tuloy wala na akong perang pamasahe pauwi!" Wala parin siyang imik. Hindi niya parin ako pinapansin. "Sir Das..." "Damn it! Carmela! Hindi ako makakapayag na ma-buntis ka at hindi ako ang ama! Makakapatay talaga ako ng tao!" sigaw niya na may halong galit 'saka ito nawalan ng malay. I stunned. *** Nasa loob ako ng banyo ngayon habang sinusuri ko ang buong katawan ko. Sinuot ko na kasi iyong two piece na dala ko. Nilagay ko na rin sa mata ko ang shades. Hanggang ngayon naalala ko parin 'yung sagutan namin ni Dash. Matapos niya kasing sabihin 'yon, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at tuluyan na ngang nakatulog. Buti na lang tinulungan ako ng iilang guys duon. Pero? Totoo kaya 'yung sinabi ni Dash? Lasing kasi s'ya kagabi eh, imposible na maalala niya pa 'yun, sana hindi na kasi natatakot ako. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Lumabas na ako ng banyo habang hawak ko ang summer hat. Actually same room kami ni Dash pero sa sofa ako natulog at s'ya naman sa kama, ayaw kong tumabi noh baka marerape ko siya, joke lang. "Carmela? What are you doing here?!" ayan agad ang tanong ni Dash pagkabukas ko nang pintuan ng banyo. Gising na pala s'ya. "Tumawag si manang sa akin kagabi, sabi niya ayaw mo daw umuwi kaya pinuntahan kita dito," sagot ko. Sinapo niya saglit ang noo niya at kinagat ang labi, fvck! Ang macho niya! "What happened last night...effin hell? Why are you wearing like that?!" "Huh?" "Gusto mo bang pag pistahan ng mga hambog diyan sa labas? Mag bihis ka nga!" Tumaas bigla ang makapal kong kilay dahil sa reaksyon niya. Heller! S'ya lang ata 'yung lalaking di naatract sa body ko. Hexcuse me, may itatalbog din 'tong body ko! Letche. "May utak ka 'diba? Nasa beach tayo at wala sa rancho! Kaya normal lang na mag suot ako ng two piece." angil ko naman. Kay aga-aga nag iinarte na naman s'ya. "Argh. Damn it!" "Ayun ang damit mo oh nasa tabi mo lang! Artehan mo pa!" Hindi ko na s'ya pinatulan pa, inirapan ko s'ya at taas noo akong rumampa sa labas ng resort. This is fun I think! Miss ko na ang lumangoy! Siguro magiging masaya ang araw ko dito. Bukas na lang kami umuwi ni Dash. "CARMELA!" Ay takte na naman! May aso na namang tumahol. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD