Chapter 1

1160 Words
"Ano ba! Tigilan niyo nga akong dalawa! Kanina pa ako napipiste sa inyo," inis na sabi ko rito sa dalawang babae na kanina pa ako sinusundan. "Ano ka ba, Carmela ang kj mo naman. Minsan na nga lang akong mag yaya sa'yo eh." sabi ni Alex na may pa-puppy eyes pa. Letsi kung 'di lang 'to mukhang reyna baka kanina ko pa 'to sinipa palabas ng kubo ko. "Oo nga naman, palibhasa kasi menopause," sagot rin ni Calli at sabay silang tumawa. Dinampot ko naman 'yung plastic bottle na nasa mesa at sinapol ko 'yon sa mga ulo nila. "Saan ang utak ninyo? Akala ko ba matatalino kayo? Di niyo ba iniisip? Magiging third wheel lang ako sainyo, bwesit naman 'to oh!" Oo ako na walang love life. Ako na walang anak, asawa. Chuchu. Ewan ko ba diyan. Hinihintay ko kasi 'yung right na tao sa'kin eh bakit ko naman mamadaliin 'diba? Baka mamaya niyan may nakasagupa pang kalaban iyong love life ko. Itong dalawa talaga na 'to sobrang excited, palibhasa kasi may mga anak na at sobrang yummy pa ng mga asawa nila. Jusko! "Mag asawa ka na kasi! Asawain mo si Dash 'yung amo mo sa kabilang mansyon! Ang bagal mo kasing kumilos eh," sambit ni Alex na tila madali lang ang lahat. Aba! "Eh kung sipain kaya kita palabas? Sa poor kong 'to magkaka-interes iyong amo ko sa'kin? Nako himala na lang ang mangyari," sagot ko at kinuha ko 'yung keypad ko na cellphone dahil napapansin kong kanina pa ito tumutunog. Itong dalawang 'to kasi, napaka-chismosa. "Isipin mo nga, Carmela, mawawala ka na sa kalendaryo 'di ka ba nababahala? Ayaw mo pa bang mag-settle?" "Kung ako sa'yo, chimpuhan mo 'yung gwapong amo mo, kahit na 'di maging kayo basta magkaroon ka ng anak sa kaniya." What the effin hell? So you mean makipag-s*x ako sa amo ko? 'Diba ang laswa pakinggan? Jusko teh. Parang akong humarap sa madugong labanan. Any suggestions please. Ayaw kong makinig sa mga kaibigan ko, nakakaimberna sila. "Nababaliw na talaga kayo, umalis na nga kayo rito, kanina pa naghihintay 'yong asawa niyo dun. Isa pa aalis na ako may trabaho pa akong pupuntahan," saad ko habang inaayos ko ang buhok ko baka mamaya andun pala si madam, 'yung Mommy ni Sir Dash, kahiya naman kung magmumukha akong lusyang 'diba? Sabi pa naman nila mukha raw akong anak mayaman dahil sa kutis at beauty ko, maniniwala na ba ako? Syempre hindi baka mamaya jino-joke lang ako ng mga 'yun. Wala akong barya. "Pag magkaroon ka nang anak, Carmela, sulit na sulit na 'yon kasi kahit na wala kang asawa at least may anak ka 'diba? At balita ko half Italian daw 'yan si Dash, oh a-ayaw ka pa ba? May lahi na iyong si Dash. Argh. May point naman sila, at mag tu-turn na akong 30 sa susunod. Hihintayin ko pa ba 'yong tamang tao sa'kin? Baka mamaya niyan gurang na ako pag nakarating na s'ya. Hays buhay na 'to. "Ayokong makipag s*x sa boss ko, mahiya naman kayo. Para tuloy akong may pagnanasa sa kaniya dahil sa mga pinagu-usapan natin." "Bakit wala ba?" nakangising tanong ni Calli. Inirapan ko naman s'ya at tinulak ko sila palabas sa kubo na tinitirhan ko. Wala nga akong makain, Paano pa kaya pag nagkaroon na ako ng anak? Ano ipapakain ko? Lupa? Wala nga akong maayos na tuluyan, mag-settle pa kaya. Hays 'wag ko nga munang isipin 'yon, magulo pa ang ulo ko at mas mabuting mag-trabaho muna ako, pambihira kasi! Graduating ako na civil engineering pero ano? Maid ako bumagsak aba matindi. "Wag mong kalimutan 'yung sinabi namin sa'yo, Carmela ha!" ** "Maganda umaga po manang. Andyan po ba si Sir Dash?" nagbabakasali kong tanong. Nahihiya kasi akong humarap eh dahil sa mga pinag-uusapan namin kanina ng mga kaibigan ko. "Kakaalis lang, may date daw sila ng bagong girlfriend niya, bakit mo nga pala natanong, iha?" "Wala lang po. Pwede na po bang mag linis sa itaas?" tanong kong muli. Ngumiti lamang si manang at sinabihan niya akong pwede na mag linis. Agad ko naman siyang sinunod, pumasok ako sa kwarto ni Dash, usual ganu'n parin ang scenario, sobrang gulo ng kama at 'yung bedsheet gusot na gusot, ersyet! Ganiyan ba talaga kabagsik 'yang si Dash? Parang sisirain na nila ang kama ah. Hard na hard talaga. Maraming nakakalat na condom sa semento, nakakadiri siyang hawakan promise, never ko pa 'yang na hawakan eh. Hanggang dustpan lang ako 'noh, kadiri naman kung hahawakan ko 'yung ano ng lalaki 'diba? Damn it! Mura ng malutong. Napaka-dumi talaga ng lalaking 'yon, crush ko pa naman 'yon, 'wag lang po tayong maingay. Pinalitan ko ng gray ang kumot. 'Yung maduming kumot naman ay pinagtutupi ko dahil lalabhan ko ito mamaya, dinaspan ko ang mga ilang things na marumi 'saka tinapon sa basurahan. Binuksan ko ang kurtina, sumalubong sa'kin ang napakaganda na sinag ng araw. Pagkatapos ay lumabas na ako nang kwarto niya, nakasalubong ko pa ang ilang kasambahay pero iniirapan ako ng mga karamihan. Parang pinaglihi sa sama ng loob eh, problema ng mga 'yon? "Carmela, parating na ang boss natin. Nilinis mo na ba'yung buong kwarto ni Dash?" tanong ni Lucy, ang medyo ka edad ko lang na kasambahay. "Oo natapos ko na. Lalabhan ko lang 'tong maduming kumot na ginamit niya," sagot ko naman habang binabanlawan ko ang kumot. Narinig ko rin ang pag busina ng isang sasakyan, it must be him! Kalma lang self 'wag ka lang magpapakita kay Dash dahil kahiyaan talaga 'to. "Sige tapusin mo na lang muna 'yan. Ako na mag handa ng pagkain ni Sir," "Sige." Pagkaalis niya sinimulan ko nang gamitin ang machine na narito. Nilagyan ko na ng powder 'yung washing machine at ready na rin 'yung dryer, sobrang daming lalabahin ngayon, pero dahil sa tulong ng machine madali lang 'to. Pabor na sa'kin 'to kaysa naman makita ko si Dash 'noh? Kikiligin talaga bulate ko pagnagkataon. Lagi kasing pumapasok sa isip ko 'yung mga sinabi nina Alex at Calli. Langya lang talaga. Nakakahiya. "Carmela! Hinahanap ka ni Sir Dash!" "Ano?!" "Hinahanap ka niya, bingi naman nito." Hindi na ako nagdadalawang isip. Tinungo ko na 'yung kinaroroon ni Sir, oh my god! Bawal ang pabagal-bagal dito, kahit gusto ko mang lamunin ng lupa ay hindi pwede, dito lang nakakasalalay 'yung makakain ko. Nang marating ko na ang dining hall, nakita ko si Dash na nakakunot ang noo na nakatingin sa isdang?! SUNOG?! "What the fvck is this! Are you on drugs?! Pati pag prito ng isda hindi mo alam! You're fvcking FIRED!" Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw nito. Paano ba ako magkaroon ng anak sa kaniya? Ugali niya pa lang hindi ko na matiis, Jusko. "Where's Carmela?!" "Andito ako!" sigaw ko 'saka tumakbo ako papunta sa harapan niya. Tumaas naman ang makapal niyang kilay. Kapansin-pansin tuloy ang pasa niya sa labi, saan niya nakuha 'yan? Hinarass ba s'ya ng kahalikan niya? "Cook for me. Hurry! Up!" Argh. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD