Walter
Nasa tapat ako ng vanity mirror dahil inaayos ko ang ipit ko sa buhok. Balak akong isama ni Winston, ang kakambal ko, sa kaniyang daily routine sa gym. Kailangan ko na rin mag-ehersisyo at baka sasabak na naman ako sa totoong misyon ko sa buhay ay lalampa-lampa na naman ako.
It’s been a months and I still searching the truth. Mula nang maaksidente ako ay nawalan na ako ng pag-asa. Nawalan na rin ako ng ganang mabuhay. Dumagdag pa itong malaking kinakaharap ko ngayong problema tungkol sa sarili ko. But then again, my brother Winston never gives up and helped me out my chaos.
Siya ang isa sa mga tanging nakakaalam sa kung ano ang totoo kahit na halos lunurin na niya ako para lang bumalik ako sa pagiging dating ako. I mean…lalaki naman talaga ako pero⸻
“Walter, halika na. Kailangan na nating umalis patungong gym at baka ma-traffic na naman tayo,” yaya niya.
“Sureness, brader!” s**t! I hate this! Kahit ang pananalita ko ay naapektuhan na rin at ultimo pati pagkilos ko.
Kumunot ang noo ng kapatid ko nang makita ang pagkakaayos sa buhok ko. “Will you remove that damn hair clip in your hair, Walter?! At saka… Ano iyang suot mo? Pink na cotton shirt at denim shorts na ang igsi? Magpalit ka nga ng damit mo!” asik niya.
“Why? Pangit ba? Okay naman, ah.” Hindi na maipinta ang mukha ni Winston sa akin kaya ako na ang nag-adjust. “All right. Heto na magbibihis na at tatanggalin ko na itong hair clip. Hay! Hindi mo naman ako masisisi at alam mo iyan.” Tinungo ko ang closet ko upang magpalit ng damit.
Narinig kong hinila ni Winston ang silya at umupo. “May balita na ba sa iyo si Mr. Soliman?”
“Wala pa.” Akma ko na sanang huhubarin ang damit ko pero napasulyap ako sa kapatid kong nakatingin sa akin. “Tumalikod ka muna at magpapalit ako,” naiilang kong sabi.
“Ano? Ngayon ka pa nahihiya sa akin?” Kinuha niya ang bathroom tissue sa ibabaw ng vanity mirror at ibinato sa akin. “Umayos ka nga!”
“Aray naman!” Napahimas ako sa ulo kong tinamaan ng tissue ngunit hindi naman malakas ang pagkakabato niya. Pasalamat ka at ganito ako, Winston. Babatukan rin kita kapag nakawala na ako. Iiling-iling akong nagpalit ng damit kahit nandiyan siya.
“Kailangan na rin nating makausap si Mr. Soliman at baka may solusyon na rin siya sa nangyari sa iyo,” kalmado na niyang sabi. “Sabihin na kaya natin ang totoo kina Wigo at Kinne upang matulungan ka na nila?”
“That’s not a good idea. Nagdadalangtao ang asawa ni Wigo at ayokong madagdagan ang alalahanin nila. Isa pa, nagpapagaling pa lang ang tatay natin kaya mahirap iyang iniisip mo,” tugon ko. Hinubad ko na rin ang denim shorts na sa totoo lang ay comfortable akong isuot ito kaysa denim jeans.
“Ilang mga kasinungalingan na ang lumabas sa bibig ko para lang pagtakpan iyang kabaklaan mo. Pati tuloy ang high school crush mo noon na ginamit ko pa.”
“Anong sinabi mo?” Nagsuot na lang ako ng jogger pants para lang mawala ang inis ni Winston sa akin.
“Si Imari. Iyong ob-gyne doctor na niligawan mo noon at sinabi ko na matapos kang bastedin ay nagkakaganyan ka na. Pinalabas kong brokenhearted ka sa kaniya. Wala, eh. Wala na akong ibang maisip.”
“Ang babaeng iyon. Alam mo bang nagkita kami kahapon sa clinic niya dahil siya pala ang ob-gyne ni Kinne. Ang bruhang babaeng iyon,” pagngingitngit ko.
“Oh? Anong nangyari sa pagkikita niyo?”
“Disaster. Kala mo naman ang ganda-ganda niya.” But she’s really beautiful. Damn! Ano ba itong naiisip ko?
“Bago ang aksidente ay siya ang nasa huling listahan mong pinapasundan ng deputy director mo. So, ano ang plano mo? Itutuloy mo pa ba ang pagsunod sa kaniya?”
“Kailangan ko munang makausap si Mr. Soliman tungkol sa bagay na iyan. Let’s go na, kapatid. I’m ready na!” Sabay flipped ko na naman ng buhok ko na nakaharang sa mga mata ko.
“Hay. Kailangan ko na yatang maghanap ng albularyo para lang bumalik ka sa dati. Hoy! Sinasabi ko sa iyong mag-behave ka sa gym. Ayokong mapahiya ako sa mga client ko roon, ha.”
“Oo na. Behave na ako.”
Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Winston dahil nauunawaan niya ang kalagayan ko sa kabila ng mga nangyari sa akin. Siya lang din ang tanging nakakaalam bukod kay Mr. Soliman na siyang deputy director ng organisasyon kung saan ako nabibilang.
Kung wala ang kapatid kong ito ay baka hindi ko na nanaising mabuhay pa nang mga sandaling nagising ako sa ospital. Hanggang ngayon din ay comatose pa ang sakay ko nang mangyari ang araw ng aksidente.
NAKARATING kami sa gym kung saan isang gym instructor ang kapatid ko. My twin brother Wigo offered him a decent job on his company but he’s under his supervision. Habang wala pa ang transition na gagawin nila ay tatambay muna siya rito.
My brother has run this business for a while since his friend's owner is in the US. His friend trusted him and took his place until he returned the next month.
Pagkapasok ko pa lang sa loob ay panay na ang tinginan ng mga kababaihan sa amin ni Winston. Ang iba naman ay panay nag pagpapa-cute sa amin. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi kami nagkakalayo nina Winston at Wigo.
I’m physically fit. Kasama na roon ang biceps at triceps kong namumutok na pero dahil sa kung anong gamot ang nalunok ko noong araw nang aksidente, bigla na lang akong lumambot at…alam niyo na. Naging pusong babae na hanap rin ay katulad ko ng katawan ko.
Curse it! Matindi ang capsule na nainom ko nang araw na iyon at ang epekto nito ay nakakasira sa hormonal balance ng isang tao. Apektado na rin ang pananalita ko at kilos. Nagpapasalamat na lang ako na hindi body swaps ang nangyari sa akin.
“Hi, Winston!” bati ng mga babae na gym area.
Isang tango lang ang iginawad ng kapatid kong ito sa mga may gusto ka sa kaniya. Pero ako ay alam ko ang karakas din niya pagdating sa babae.
“Hi, Walter!” bati naman ng mga babaeng nakilala ako.
I smiled at them. Kumaway na lang din ako dahil ayokong makita ang mga mata ni Winston na naglalagablab kapag narinig na naman ang boses kong lalamya-lamya.
Maya-maya lang ay napuna ko sa labas ang pamilyar na mukha ng isang babae. Muli kong sinulyapan ang kapatid ko na abala na sa mga ginagawa niya. Naisipan kong puntahan muna sa labas ang babaeng ito.
When I was outside, I saw Kate standing behind the bushes. Nilapitan ko siya dahil naramdaman kong may importante siyang sadya. Nagpalinga-linga na rin ako sa paligid na baka may nakasunod sa kaniya.
“Kate,” tawag ko.
“Mabuti na lang na nakita ko ang kotse mo sa intersection na minamaneho ng kapatid mo. Kumusta, mate?” Tinapik niya ako nang malakas sa balikat ko.
“Aray ko naman. Makatapik naman ito ay parang kahoy ako.”
Natawa siya. “What?! Sa laki niyang katawan mo at sa tangkad mong iyan, nasasaktan ka? Tapik lang iyon, ano ka ba?”
“Bruha ka,” sambit ko sabay inayos ang manggas na suot ko.
“Ang arte. Kung hindi lang talaga kita kilala ay baka napagkamalan na talaga kitang…nevermind. Anyway, may importante akong ibibigay sa iyo.”
“And then?”
“Nakita ko ito sa pinangyarihan ng aksidente mo three months ago.” May kinuha siya sa dala niyang itim na pouch at lumantad sa akin ang maliit na bote ng gamot. “Here.”
Nagtataka naman akong kinuha ang bote na ito mula sa kaniya. “What’s this?”
“Iyan ang gamot na pagmamay-ari ng baklang sakay mo nang araw na nag-under surveillance ka at napagkamalan kang ube driver ni Petra.”
“So, possible na ito ang gamot na aksidenteng nalunok ko?”
“Exactly. Pero pinag-aaralan pa ng kilalang scientist ko ang tungkol sa gamot na ito. Ang mas matindi pa rito ay nanggaling ito sa Biopharma na pagmamay-ari ng babaeng sinusundan mo. Nanggaling sa kompanya ni Imari Villa Acosta. Mate, you need to go back to work.”
“Damn,” sabi ko sabay napailing. “How? Bruha ka. Sa tingin mo makakabalik ako nang ganito ang ayos at pananalita ko?”
“Gaga! Nasaan na iyong pagiging matinik na⸻” Hindi na siya makapagsalita nang takpan ko ang bibig niya.
“Bruha ka! Huwag mong sasabihin at baka may makarinig sa iyo!”
“Huh?!” Mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig ko. “Siraulo ka talaga!”
“Ikaw kasi…” Sabay inayos ko ang buhok kong nahawi na naman.
“Dai, may pilantik ka talaga. Ibang klase talaga ang gamot na iyan. By the way, hiring ngayon sa isang business ni Imari Villa Acosta. Ang kaniyang garment company. Nangangailangan siya ngayon ng fashion designer kapalit ni Petra at huwag ka ng patumpik-tumpik pa kung ayaw mong mawala ang lahat sa iyo. Mag-apply ka na!”
“Ako?!” hiyaw ko. “Mag-a-apply?!” bulalas ko.
“Oo! Ako na ang bahalang pumeke sa credentials mo at portfolio. Hindi ba marunong ka naman sa sketch? Kaya mo iyan, gurl!”
“No way!” tanggi ko.
“Pa no way no way ka pa. Sige na bakla at may lakad pa ako. Babush!” Tinalikuran na niya ako at nagmamadaling naglakad palayo.
“Hoy, Kate!”
Kumaway lang ito pero hindi na niya ako nilingon. Ako naman na hindi na lang siya hinabol.
Si Kate lang naman ang kasama ko sa organisasyong kinabibilangan ko at pinagkakatiwalaan din ng lubos. Bukod kay Winston at deputy director ay isa rin siya sa mga nakakaalam ng mga nangyari sa akin.
Laglag ang balikat kong bumalik sa loob ng gym dahil naguguluhan na naman ako. Naisip ko rin naman na kung hindi ako kikilos ay hindi malulutas ang kasong ito lalo na sa nangyari sa akin.
Umupo ako sa couch malapit sa mga gumagamit ng gym at isang plano ang pumasok sa isipan ko. Maaaring magagamit ko ang katauhan kong ito upang maisakatuparan ko ang mga plano ko. Yes! I need to solve this case and this mystery.
“Bro, sino iyon?” tanong ni Winston na naroon na sa kinauupuan ko.
“Ah, friend ko.”
“Friend? Mukhang agent.”
“Hinaan mo nga iyang boses mo at baka may makarinig,” saway ko. “Mag-a-apply akong fashion designer ni Imari kapalit ng baklang kasama ko sa aksidente.”
“Ha? Seryoso ka ba? Marunong ka sa fashion design?” Natawa siya. “Crim ang natapos mo, and then you’re applying as fashion designer?” Muli pa siyang napahagalpak nang tawa sa akin.
“Sige at pagtawanan mo pa ako dahil oras na bumalik ako sa tunay na ako, gugulpihin kita.”
Tinawanan pa rin ako ni Winston. “Hindi ka na mabiro. Anyway, kung desidido ka na sa mga plano mo, I am here to help. Pero hindi talaga ako makapaniwalang may ginagawang kalokohan si Imari sa kompanya niya. Wala sa hitsura at pinsan siya ni Zack, right?”
Tumango ako sabay sabi nang, “Oo.”
“Well, hindi naman natin nasisiguro ang pagkatao ng isang tao at mga kalakaran nila. She’s under your surveillance and might be there’s something on her that you need to know.”
“Yeah, I know.”
“Uhm, gusto mo bang magpapawis? Dating gawi,” yaya niya.
“Sige na nga.” Kumilos ako upang tumayo na. “Marami bang fafaness?” asar ko sa kaniya.
“Isako na lang kaya kita, Walter. Baka kung sakali ay matauhan ka na.” Inakbayan niya ako patungo sa area para magpapawis kami.
Natatawa na lang ako sa reaksiyon niya dahil alam naman niya ang totoo. At alam din niyang inaasar ko lang siya.