Kabanata 1.04

440 Words
pero mas nagulat naman ako sa isang comment na nabasa ko. Drielle Ito: huh? hindi ba totoo 'yung rumors na may naka-one night stand raw si Tristan? Marami tuloy ang nagreact sakan'ya kaya naman kinakabahan akong pinindot ang reply para tignan ang mga taong nagcomment. Sherlene: wdym? Alissa: narinig ko rin 'yan pero mukhang hindi naman totoo. Nicole: saan mo naman napulot 'yan? Andrew: Haha babaero naman ata yan si Tristan. Hindi naman nagreply sa mga tao 'yung nagcomment no'n. Kinakabahan parin ako dahil saan nya kaya iyon napulot. I mean wala naman akong pinagsabi sa ibang tao bukod kay Angel. At alam ko rin naman na hindi iyon ipagsasabi ni Angel kaya nakakapagtaka na may nakarating na ganong balita. Imposible kayang may nakakita sa amin? Ano pa nga ba ang ikinatataka ko e, isang anak ng isang sikat na CEO itong si Tristan at sa susunod ay sya na ang mag ma-manage nito kaya posible talagang may kumalat na ganong balita. Hindi nalang tuloy ako nagbalak pa magsocial media dahil puro sakanila ang mga balita. Tila ba nawalan na ako ng gana. Naramdaman ko pa na tumawag sa akin si Angel pero hindi ko 'yon sinagot. Gusto ko muna mapag-isa. Siguro talaga mas magandang kung hindi ko nalang sabihin kay Tristan na may nabuo sa amin. Siguradong malaking issue nanaman 'to lalo na't may tunog ang pangalan nya sa bansa. Mahirap na. Malungkot akong napatingin sa tyan ko na hindi pa ganon kalaki. Hinimas ko 'yon at pilit na ngumiti. Tuwing naiisip ko ang mga nakita ko kanina ay parang isa akong malaking hadlang kung ikakasal man sila. Ayokong malaman ni Tristan na nagdadalawang tao ako dahil paniguradong magkakagulo at hindi rin naman ako sigurado kung tatanggapin nya na may nabuo sa isang one night stand namin. Sa reaksyon niya palang na malaman nya na birhen pa ako ay hindi ko kinaya dyan pa kaya na malaman niyang may nabuo sa pagtatalik namin. Sa ngayon ay iisipin ko nalang muna ang kapakanan ng magiging anak ko. Sana ay makaya kong mapalaki ito ng ako lang. Kaya ko naman maging nanay at tatay sakanya kung kinakailangan. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba basta ang pagtutuonan ko muna ng pansin ay ang magiging anak ko. "Pangako anak, aalagaan ka ni Mommy pag lumabas kana.. kahit na sa hindi inaasahang pangyayari kalang na nabuo ay hindi ko maituturing na isa kang pagkakamali.. mamahalin kita ng buong-buo. Kahit na..." medyo nahirapan pa akong bigkasin ang pangalan nya. "K-kahit na wala sya.. kahit na walang suporta ang tatay mo ay kakayanin ko naman ikaw alagaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD