Nakasimangot ang mukha ni Mr. Shein pagkagising palang dahil alam niyang darating ngayong araw si Zee. Excited ang mga anak ko sa pagdating ng daddy nila kaya kung maaga akong nagising mas maaga silang nagising sa akin. “Wife, I want some cuddle!!” Hindi ko mapigilang hindi siya ikutan ng mata dahil nag-iinarte na naman. “Darating si Zee ngayong araw. Kailangan kong magluto. Nakakahiya sa bisita natin.” Iningusan niya ako at inirapan. “Bakit naman natin paghahandaan ang unggoy na ‘yon? Ano siya? Gold?” bulong-bulong niya. Natawa ako nang mahina at iniwan siya sa kwarto. Kakagaling lang dito ng kambal at nasa kusina na sila ngayon nagtitimpla ng gatas. “I’m gonna kill that monkey later.” Mga katagang narinig ko bago ko isara ang pintuan. Pagbaba ko ay nakita ko si Sico na hinahanda an

