Pagbalik namin ni Vicente sa bahay, mukha ni Sico ang naabutan ko sa labas ng pintuan. Nakaupo siya at bugnot ang mukha. “Where’s your papa?” tanong ko sa kaniya dahil lukot na lukot talaga ang noo nito. “Sicoooo, here’s your driiink!” Lumabas si Rico sa likuran ni Sico na may dalang macha tea. Tumaas ang kilay ko sa dalawang bata. “Mama, nagbabarilan si papa at dad. Go and look at them.” Tila nawawalan ng pasensyang ani ni Sico. Hindi ko alam kung gaano kakalat pinaggagawa ng dalawa para sumuko ng ganto ang anak ko. Nilapag ni Rico ang macha sa tabi ng kapatid niya at niyogyog ang balikat ni Sico. “Stop sulking.” “They are annoying!” Humagikgik si Rico at tumingin sa akin. “I can’t blame him mama. Papa and dad took our water gun and it happened.” Anong it happened? Magtatanong na

