Lorelay Hindi ako agad nakabalik kay Mr. Shein dahil tumawag ang doctor dahil sa kundisyon ni auntie Lorena. Sinabihan ko na si Lee dito para hindi magpadala ang asawa ko ng isang batalyon para ipasundo ako dito. Isang linggo din akong pabalik-balik sa hospital lalo’t nagkakamalay na si auntie Lorena. Under observation pa nga lang siya ng mga doctor. Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mia na pabalik na ng Valencia. “Aalis ka na?” tanong ko nang makita ang sandamakmak na maleta niya. Umikot ang mata niya at nakasimangot na sinugod ako para yakapin. “Kailangan kong puntahan si mommy lalo’t may ipapakilala siyang prospect boyfriend kuno.” “Si tita talaga,” naiiling na sabi ko. Laging ganito si tita sa kaniya dahil wala naman siyang nobyo. Maya-maya pa ay nakita ko rin si Z

