“Lorelay, this is Grant Pabelico.” Sandali akong natigilan habang nakatingin kay Grant na nakangiti sa akin ngunit parang kinikilatis ako sa pamamagitan ng mata. I offered my hand for a shake hand at nagpakilala. “It’s nice meeting you, Grant Pabelico.” Tumingin ako sa iba pang nasa loob at saka bahagyang nag bow sa kanila. “Let’s start,” ani ni Grant. Masiyadong bata si Grant. Gusto kong tanungin si Lee kung ilang taon na si Grant lalo’t mukhang bata pa nga. Lumapit ako sa iba pa at doon ko lang namukhaan iyong bartender 5 years ago. “Good day, Mrs. Shein. Hivo Alvante at your service.” Lumapit siya sa akin at nakipag kamay. “I’m Masson Villaranza,” sabi naman no’ng lalaking gwapo rin. “I’m Hiro Acuesa…” sabi naman no’ng isa na hindi pala ngiti. “Ang ga gwapo pala ng mga nandito.”

