THIRD PERSON "Babies dito muna kayo sa mga Tita at Lola niyo. Kailangan lang ni Mama pumunta sa event. Bukas mamasyal tayo. Kaya habang wala si Mama behave muna kayo okay?" Bilin ni Diana sa kanyang mga anak. Alas sais na ng gabi kaya kailangan alas sais y medya makaalis na si Diana papunta sa Manilla hotel para sa event. Alas siete ng gabi magsimula ang fashion show. Wala naman plano si Diana na mag tagal. Pupunta lang siya para magpakita kay Sophia na siyang host ng event na nag invite sa kanya. "Okay, Mama. Ingat po kayo. Mag be-behave lang po kami dito." Sagot ng quadruplets kay Diana. "Very good mga babies ni Mama. Anong gusto niyong pasalubong." Malambing na tanong ni Diana sa apat niyang anak. "Toys, Mama." Magkasabay ulit nilang sagot. "Babies bukas nalang kapag nasa mall ta

