THIRD PERSON "Sir nandito ka pala? Magandang hapon, ano ang nangyari sa noo niyo? Saka bakit kayo nandito sa labas?" Nagtataka na tanong ni Rosa nang pagdating nila sa kanilang bahay, nakita nila si Rocky na nasa labas ng kanilang bahay. Saka may bukol ang noo ni Rocky. Umuwi na rin sila galing park dahil nabalitaan nila na may bata pala kahapon na nagkasakit ng dengue kaya kaagad silang umuwi. "Aling Rosa magandang hapon. Gusto ko lang pumunta dito. Saka hindi ko napansin ang gate kaya nabangga ako sa noo. Saka walang tao, kaya naghintay nalang ako dito." Palusot na sagot ni Rocky. Saka tumingin sa apat na bata sa likuran ni Rosa. Nauna kasing bumaba si Risa ng makita ang sasakyan ng kanyang dating amo. "Magandang umaga ma'am." Bati ni Rocky sa Nanay ni Diana. Nakatingin lang din ang

