DIANA Dalawang araw nanatili si Roxzelle sa ospital, ngayon lalabas na kami. Nakilala na rin ng tatlo ko'ng mga anak si Rocky. Pumunta sila dito kahapon kasama ni Nanay, Nanay Rosa at Tatay Berting kasama sila Madam Ricka at sir Rico at mga kapatid ko. Sobrang saya nila na may Papa daw sila. Ang akala ko masaya na sila kahit kami lang, iyun pala mas naging masaya n'ong nalaman nila na may Papa sila. Umuwi din sila kahapon at duon daw sa bahay sila ni Madam Ricka kasama si Nanay at mga kapatid ko. Kaya duon kami uuwi sa bahay nila pagka lumabas kami dito sa ospital. Nakilala ko rin ang isa pang kaibigan ni Rocky na si Marco at ang girlfriend niyang si Dylin. Mga mabait sila kaya mabilis kaming nagkagaanan ng loob. Sa dalawang araw dito ni Roxzelle sa ospital hindi din umalis si Rocky.

