RICHEL Pagkatapos ako'ng turuan ni Nanay Rosa sa pag gamit ng mga de kuryente sa kusina. Tinuruan niya naman ako paano gumamit ng vacuum at mop na kailangan isaw-saw daw sa tubig at paikotin para mawala ang tubig. Pagkatapos isa-isa niya rin tinuro sa akin ang mga ginagamit na towel na mga pamunas. Grabi ibang klasi pala talaga kapag mayaman. May spray pa sa mga crystal at iba naman sa hagdan at sa sahig. Akala ko isang towel lang ang gamitin na pamunas pero iba-iba pala. Towel pa lang na pamunas mayaman na. Dahil sa amin nga mga butas butas na damit ang gamit sa pamunas sa sahig. Dito mga bago at mga mabango pa. Nahiya naman ang towel ko sa ginagamit ko pang kuskos sa aking katawan sa tuwing naliligo ako. Sapagkat kupas na at luma. Pero ang towel na pamunas sa mga gamit ang bango at mg

