THIRD PERSON "Ate, kamusta? Nagkita at nagkausap ba kayo ng Tatay ng quadruplets? Kahit hindi mo sinabi sa akin kanina kung saan ka pupunta alam ko na pupuntahan mo ang Tatay ng quadruplets. Si Kuya Rocky." Salubong ni Jen-jen kay Diana nag dumating si Diana sa emergency room. Umupo si Diana na parang wala sa sarili. "Kamusta si Roxzelle anong sinabi ng Doktor?" Tanong ni Diana kay Jen-jen sa halip na sagutin ang tanong sa kanya. Hinawakan naman ni Ton-ton ang kamay ng kanyang Ate Diana para kahit papano maibsan ang kanyang paghihirap dahil nasa loob ng emergency room si Roxzelle. "Okay na rin siya Ate. Kaya lang kailangan talaga masalinan siya ng dugo. Naging normal daw ngayon ang kanyang platelet dahil sa may gamot, pero hindi daw masiguro kung kailan naman baba ang kanyang platelet.

