Jessa Zarossa's POV "Levi!" bungad ko agad matapos kumatok at pumasok sa office nito pagkarinig ko ng 'come in'. Hawak ko sa kamay ko ang iniabot na envelope sa akin ni Mia na naglalaman raw ng ticket namin ni Levi papunta ng Paris. Bigla naman na ang-angat ng tingin si Levi at ngumiti ito sa akin na sandaling nagpabilis ng t***k ng puso ko. Naglakad na lang ako at hindi ko alam kung napapraning lang ako habang lumalapit sa table ni Levi. Pakiramdam ko kasi ay ang lagkit ng tingin nito sa akin. Ni hindi pa nga ako nakaka-move on sa ginawa nitong pag-smack sa labi ko kanina. Pinilit ko naman na ikalma ang sarili ko hanggang sa makalapit ako sa tapat ng table nito. Parang may pipirmahan itong documents dahil may hawak pa itong ballpen na agad nitong inilapag sa table at itinuon ang atens

