Jessa Fuentebella's POV AFTER 2 YEARS… "Are you okay, my dear sister?" Napalingon ako nang biglang magsalita si Kuya Gilbert na nasa driver's seat. Nagtama ang tingin namin. "O-oo naman," tipid akong ngumiti bago muling binaling ang tingin sa kalsada. "Nakatulala ka na kasi, you remember him, right?" Natigilan ako sa tanong ni Kuya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Walang iba kundi ang ex-fiance' ko na si Levi Del Fiero. Nakagat ko muna ang ibabang labi sandali bago muling tiningnan si Kuya Gilbert na seryoso sa pagda-drive na nakatingin sa kalsada. Wala naman akong plano sagutin ang tanong niya. Kaya muli ko na lang binaling ang tingin sa bintana ng sinasakyan namin. But he is right. Naalala ko ang lalaking kinamumuhian ko na ngayon. Paano naman hindi? Nadaanan lang naman

