Jessa Zarossa’s POV Gusto kong sampalin si Levi sa narinig kong accusation nito. Pero hindi ko nagawa dahil bigla akong nanlalambot sa pagtaas niya ng boses sa akin. Hindi ko ine-expect na gagawin niya sa akin ito, lalo na at alam niya kung ano ang pinagdaanan ko kung bakit naging mailap ako sa pakikipag-relasyon. ‘Yung term niya pa na nakipag-landian talaga ang ginamit niya sa akin. Kino-compare ako sa ex niya na pinatulan ni Andrew porque nakulangan lang siya sa time. Kahit ang kumurap ay hindi ko nagawa at nakatingin lang sa galit na mukha ni Levi. Mabilis na nanlabo ang mata ko. Pagkurap ko ay doon may tumulong luha sa mata ko at agad akong nag-iwas ng tingin. Ang mahigpit na kapit ni Levi sa braso ko ay biglang lumuwag. “Sh*t! What did I do?” sabi niya sabay tanggal ng kamay sa b

