Jessa Zarossa’s POV “Uhmmm…” Bigla kong minulat ang mata nang maramdan na may nagtatangka na bumuhat sa akin. “Levi!?” halos mapasigaw ako sa gulat. Kumawala ako sa pagkakahawak kay Levi. Hindi pa naman niya ako tuluyan na nabuhat. Bigla akong lumingon sa paligid. Narito ako sa sofa. Ang huling naalala ko ay may lalaking tinakpan ang ilong ko ng panyo at matapos no’n ay nagdilim na ang paningin ko. “Mahal ko? Do you expect na may kasama ako?” Narinig kong nagtatakang tanong ni Levi. Nakatayo na siya at nakakunot ang noo sa akin nang binaling ko ang tingin sa kanya. “M-mahal… May gustong kumidnap sa akin… K-kanina. May nag-doorbell. Akala ko ikaw ‘yun. Tapos pagbukas ko ng pinto may tinakip sa akin na panyo. Hindi ko na alam ang—” “Hey hey hey… Mahal ko… Shhhh…” Umupo sa tabi ko s

